Ibaan, Kalahok Sa 1st Batangas Cup Tournament (Inter-Town Basketball)

August 31, 2016

Sa pangunguna ng Ibaan Sports Development Council, binuo ang koponan ng mga kabataang basketbolista na siyang kakatawan sa bayan ng Ibaan sa gaganaping 1st Batangas Cup Tournament na kabibilangan ng mga manlalaro na may edad 19 pababa at opisyal na magsisimula sa Oktubre 8.

Ang nasabing Batangas Cup ay isang “Sports Development Program for the Youth” ng probinsyal na pamahalaan ng Batangas na isa mga pangunahing programa ni Gov. Dodo Mandanas. Pangangasiwaan ito ng Provincial Assistance For Community Davelopment (PACD) sa pangunguna ni Dr. Amante Moog.

Kaugnay nito, sa pangunguna naman ni G. Noriel Aguila, Presidente ng Ibaan Sports Development Council, nauna nang nagsagawa ng try-out ang huli noong August 21 upang pumili ng manlalaro na magiging miyembro ng koponan.

Mula sa 30 manlalaro na dumating sa try-out, 12 ang napili bilang opisyal na manlalaro ng bayan ng Ibaan para sa nasabing Tournament.

Mapalad na napili ang sumusunod:

  • Mark Allen P. Calaycay, 5’6″ | Brgy. Poblacion
  • Loyd Neson M. Caligagan, 5’11” | Brgy. Catandala
  • Carlo A. Caringal, 5’6″ | Brgy. Palindan
  • Jean Laurenz A. Hernandez, 5’6″ | Brgy. Tulay
  • Stephen Riley D. Javier, 5’5″ | Brgy. Talaibon
  • Jiether A. Macatangay, 5’10” | Brgy. Coliat
  • Christian B. Magsombol, 5’9″ | Brgy. Munting Tubig
  • Sebastian James Z. Mapalad, 5’11” | Brgy. Poblacion
  • Patrick Sam L. Maralit, 5’9″ | Brgy. Talaibon
  • Lean Gabriel B. Perez, 6’3″ | Brgy. Coliat
  • Adan Hairo I. Tolentino, 5’6″ | Brgy. Calamias

ibaan basketball players for 1st batangas basketball tournament cup 2016 dodo mandanas mayor danny toreja ibaan batangas

Dahil na rin sa kanyang husay sa larong basketball, magsisilbi bilang Head Coach ng koponan ng bayan ng Ibaan si Konsehal Julius Panaligan ng Sangguniang Bayan. Isasagawa naman ang practice/training ng mga manlalaro tuwing araw ng Sabado at Linggo sa Recto Gym.

Malaki naman ang kumpiyansa ni Mayor Danny Toreja sa binuong koponan para sa Ibaan.

“Sinusuportahan natin ang team. Malaki ang ating paniniwala na maganda ang patutunguhan ng koponang ito”, sambit ni Mayor Danny Toreja matapos ang naging pag-uusap nila ni G. Noriel Aguila tungkol sa mga miyembro ng koponan.

Samantala, ayon sa pamantayan ng Tournament, maaring maging opisyal na manlalaro ng bayan ang isang basketbolista kung sya ay lehitimong residente ng bayan na kanyang nirerepresenta na dapat mapatunayan ng isusumiteng Original Birth Certificate (mula sa Philippines Statistics Authority na dating NSO), at Baptismal Certificate. Higit sa lahat, dapat ang isang manlalaro ay nasa edad 19 o ipinanganak noong 1997 pataas.

Matapos ang opening sa  October 8 na gaganapin sa Batangas Coliseum, sisimulan ang Single Round Robin sa October 9 na sabayan o simultaneous sa gagawin sa mga distrito ng Batangas. Ang mga bayan o koponan na makakakuha ng una at ikalawang pwesto mula sa bawat bracket ang siyang aakyat sa Quarterfinals.

Para sa Elimination Round, isasagawa ang mga laro sa ilalim ng Single Round Robin Format sa napiling bayan tuwing araw ng Sabado at Linggo mula Oktubre 9 hanggang Nobyebre 6. Apat na laro ang isasalang sa bawat bracket mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Magkasabay na isasagawa ang mga laro sa lahat ng bracket sa mga petsang Octubre 9, 15, 16, 22, 23, 29, at 30. Dinagdagan naman ng dalawa pang araw ang Bracket C at D, Nobyembre 5 at 6, dahil na rin sa dami ng bilang ng mga kalahok.

Para naman sa venue ng mga laro, sa Nasugbu gagawin ang sa Bracket A, Lipa City Youth And Cultural Center para sa Bracket B, Batangas City Sports Coliseum para sa Bracket C, at sa Tanuan City para sa Bracket D.

Narito ang bumubuo sa bawat bracket ng Tournament:

BRACKET A

  • Balayan
  • Calaca
  • Calatagan
  • Lemery
  • Lian
  • Nasugbu
  • Taal
  • Tuy

BRACKET B

  • Ibaan
  • Lipa City
  • Mataas Na Kahoy
  • Padre Garcia
  • Rosario
  • San Jose
  • San Juan
  • Taysan

BRACKET C

  • Batangas City
  • Bauan
  • Lobo
  • Mabini
  • San Luis
  • San Pascual
  • Sta. Teresita
  • San Nicolas
  • Tingloy

BRACKET D

  • Agoncillo
  • Alitagtag
  • Balete
  • Cuenca
  • Laurel
  • Malvar
  • Sto. Tomas
  • Talisay
  • Tanuan City
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s