Coconut Processing Seminar, Isinagawa

August 30, 2016 | Lala E. Esmana

Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng  mga Bayani, isinagawa naman ng Municipal Agriculture Office ang pagkakaroon ng Coconut Processing Seminar sa kanilang tanggapan, Agosto 29, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Ang Coconut Processing Seminar ay isa sa mga programang pangkabuhayan sa ilalim ng Proyektong Bottom- Up Budgeting na isinulong ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan sa pangunguna ng butihing alkalde Mayor Juan ” Danny ” Toreja at Municipal Agriculturist Gng. Ethel Joy C. Salazar.

coco processing seminar ibaan agriculture office ethel salazar mayor danny toreja
Ang mga partisipante na matagumpay na natapos ang kurso na binuo sa pagtutulungan ni Mayor Danny Toreaj at Gng. Ethel Joy Caiga-Salazar ng Ibaan Agriculture Office.

Naimbitahan muli bilang tagapag sanay si G. Medardo Noscal, ang Owner/ Manager ng Marketmix Business Development Center at Board Secretary ng Food Entrepreneurs and Exporters Organization of the Phils. sa UP Diliman.

Siya ay nagbahagi ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng niyog sa buhay ng tao. Ayon sa kanya, ang niyog ay puno ng buhay. Ang dalawampu’t limang milyong mga Filipino ay di direkta at direktang naka depende sa niyog. At ang sabaw naman ng niyog ay mas masustansya kaysa sa whole milk at nakakapag pabawas ito ng taba at kolesterol sa ating katawan. Mas mainam ng tatlong beses umano itong inumin kaysa sa mga energy drink dahil ito ay nagtataglay ng potassium.

Binanggit din niya ang mga produktong sikat mula sa niyog tulad ng mga inumin o beverages, suka, toyo, nata de coco at wine.

Ang pagsasanay ay dinaluhan ng mahigit tatlumpong partisipante mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Ibaan. Silang lahat ay mga mamamayan na gustong magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa dagdag na pagkakakitaan.

Inilatag ni G. Noscal ang mga pamamaraan ng pag gawa pati na rin ang mga sangkap. Pinangkat sa apat na grupo ang mga partisipante at pagkatapos ay tinuruan na sila ng paggawa ng coco choco jam, coconut sauce, suka at pastillas de coco.

Bukod pa dito, tinuruan din sila ng tamang packaging at labelling ng mga produktong kanilang ginawa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s