Mga Batang Mag -aaral Sa Kindergarten, Bumida Sa District Festival Of Talents

September 26, 2016 | Lala E. Esmana

Bumida ang mga batang mag aaral sa Kindergarten sa District Festival of Talents na ginanap sa Ibaan District Hall, September 26, 2016 alas siyete ng umaga.

See more photos here.

Ang District Festival of Talents ay base sa Division Memo 73, s. 2016 ng DepEd Batangas Division Office kung saan hinihikayat ang mga pampubliko at pribadong paaralan na mayroong mag-aaral sa Kindergarten na magsagawa ng Festival Of Talents upang maipakita ang potensyal ng mga bata sa iba’t ibang talento sa larangan ng “Storytelling”, “Ballroom Dancing”, at “Vocal Solo”, tungo sa higit na pagpapalakas na kanilang tiwala sa sarili.

Layunin din nito na mapahusay ang pamantayan ng kalidad ng mga batang may edad na limang taon, matiyak na mapauunlad ang pisikal, emosyonal, pangkaisipan at ispirituwal na personalidad ng mga bata, lalong higit ang pagpapanatili ng magandang samahan ng mga pribado at pampublikong paaralan.

Nagsimula ang programa sa pagtatala ng mga partisipante mula sa mga kalahok na paaralan sa bayan ng Ibaan. Sinundan ito ng pag awit ng Pambansang Awit, Himno ng Batangan at Panunumpa sa Watawat.

Ginampanan naman ni Gng. Constancia A. Perez, Ibaan Central School Principal II  Chairman ng programa,  ang pagbibigay ng welcome address. Inilahad din niya ang mechanics ng kompetisyon.

Nagbigay din na mensahae ang Punong Bayan ng Ibaan na si Mayor Juan ” Danny ” Toreja kung saan kanyang binati at pinasalamatan ang mga guro, magulang, lalong higit ang lahat ng mga batang kasali sa kompetisyon. Sinundan ito ng isang inspirational message mula kay Ibaan District Supervisor Bb. Emiliana M. Roxas.

Matapos ang mga mensahe mula sa mga panauhin ay dumako na sa pagpapakilala ng mga hurado at kalahok . Sabay- sabay na isinagawa ang kompetisyon sa mga kategoryang Vocal Solo, English and Filipino Storytelling at Ballroom dance sa magkakahiwalay na silid aralan.

Bago pa man inihayag ang mga nagwagi sa naturang kompetisyon, binigyan ng sertipiko ng pagkilala ang mga guro sa pampubliko paaralan ng kindergarten. Ito ay ang San Agustin, Coliat, Quilo, Panghayaan, Munting Tubig, Ibaan Central School, Mabalor- Catandala, Bungahan, Tulay, Balanga, Talaibon, Sto. Nino, Lucsuhin, Malainin, Sabang at Procopio Mailig Elementary School. Ganun din ang pribadong eskwelahan ng St. Jude Science and Technological School, St. James Academy at Nazareth.

Narito ang listahan ng mga nagwagi sa District Kindergarten Festival of Talents :

Vocal Solo Category (Public) :

  • 1st : Coliat Elementary School
  • 2nd : Ibaan Central School
  • 3rd : Quilo Elementary School

Vocal Solo Category (Private) : St. James Academy

English Storytelling Category (Public) :

  • 1st :Lucsuhin Elementary School
  • 2nd : Ibaan Central School
  • 3rd : Tulay Elementary School

English Storytelling Category (Private) :

  • 1st : St. Jude Science and Technological School
  • 2nd : Nazareth
  • 3rd : St. James Academy

Filipino Storytelling Category (Public) :

  • 1st : Ibaan Central School
  • 2nd : Tulay Elementary School
  • 3rd : Malainin Elementary

Ballroom Dance Category :

  • 1st : Ibaan Central School
  • 2nd : Malainin Elementary School
  • 3rd : Talaibon Elementary School

Tinanghal naman na over- all champion ang Ibaan Central School base sa pinagsama samang panalo sa kompetisyon.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s