Self- Employment Assistance- Kaunlaran (SEA-K)

Mula sa 4, naging 21 ang mananahi ng net bag ni Mang Joseph ng Brgy. Quilo na nabigyan ng dagdag puhunan upang makapagsimula ng sariling tahian ng nasabing produkto.
Mula sa 4, naging 21 ang mananahi ng net bag ni Mang Joseph ng Brgy. Quilo na nabigyan ng dagdag puhunan upang makapagsimula ng sariling tahian ng nasabing produkto.

Mula sa Department of Social Welfare ng national government, ang Self Employment Assistance – Kaunlaran o SEA-K ay naibaba sa lokal na pamahalaan ng Ibaan sa pamamagitan ng masugid at matiyagang pagkikipag-ugnayan ni Mayor Danny Toreja sa nasabing ahensya kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) na pinamumunuan ni Gng. Irene Torres. Ang SEA-K ay nasa ilalim naman ng mas malawak na Sustainable Livelihood Program (SLP) na ipinatutupad din ng pamahalaang bayan.

Layunin ng SEA-K na mabigyang puhunan ang mga mamamayan, lalong higit ang mga kapus-palad, upang makapagsimula sila ng maliit na negosyo, o kaya naman ay pandagdag na puhunan sa kanilang nauna ng nasimulan na negosyo.

Ang halaga ay pinapautang sa beneficiary at babayaran sa loob ng isang taon ng walang interes o walang anumang karagdagang bayarin.

Upang maka-avail nito, kinakailangan muna na mayroong 5 – 6 na grupo na may tig – 5 miyembro upang mabuo ang tinatawag na SEA-Kaunlaran Association. Ang Association ay maaring gawin sa isang barangay o kombinasyon ng mga miyembro mula sa iba’t ibang barangay.

Sa kabuuan, 25 – 30 ang dapat na miyembro ng nasabing asosasyon.  Ang bawat SEA-Kaunlaran Association ay maaaring makatanggap ng halagang P150,000.00 o katumbas ng tig-P5,000.00 bawat miyembro.

Kasama din sa proseso ang pagsasailalim ng SEA-Kaularan Association at mga miyembro nito sa sa mga pagsasanay na isasagawa ng MSWD sa tulong ng mga representative mula sa provincial o regional office ng DSWD. Dito, tatalakayin ang mga obligasyon ng bawat miyembro ganun din ang pagbibigay ng mga impormasyon kung paano higit na mapapaunlad ang mga sisimulang negosyo.

Mayroong dalawang antas ng programa. Ito ay ang Level I Micro Enterprise at Level II  Expansion of Micro-enterprise and Shelter Construction or Home Improvement. 

Para sa iba pang impormasyon at tulong para sa nasabing programa, inaanyahan ang mga interesado na makipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare Office sa bayan ng Ibaan.

Related article:

Sa Barangay Quilo, isa si Gng. Rogelita Ebalan naging miyembro ng SEA-K Association at natulugan na makapagsimula ng pananahi ng damit at comforter na siya ngayong pinagkakaablahan nilang mag-asawa. Kung dati ay kumukuha lang sila ng ilalako sa lipa ngayon ay sila ng mismo ang gumagawa at ang kanyang asawa ang nagdadala o naglalako nito sa iba’t- ibang lugar. Nang mabigyan sila ng puhunan ng SEA-K ay nakapagproduce silang mag-asawa ng ginagawa nilang comforter na sila ang bumibili ng mga materilas at siya ang tumatahi nito.

Isa din si G. Joseph Dela Pena na taga Quilo Ibaan, Batangas na nananahi ng net bag. Dati ang pinagkakaabalahan nila ng kanyang asawa ay ang mag-alaga ng baboy at baka. Natutung manahi ang kanyang asawa. Noong nakalipas ang kanilang pagbababoy at pagbabaka ay natutu syang manahi hanggang sa matuklasan nila ang pagkuha ng tahian at sila ay nagpatahi ng kanila. Dati ay apat (4) lang ang kanilang mananahi at napadami nila ito naging 21 na ang kanilang mananahi dahil sa kanyang magandang pamamalakad at pakikitungo. Dati ay hindi pa sila maruning magtahi hanggang sa sinuportahan siya ng kanyang kapatid sa pondo ng patahian hanggang sa natutu silang magpatakbo nito at napalago ito.

Nagpapasalamat sya sa kanyang ate dahil tinuruan siya nitong magnegosyo ng pagtatahi ng net bag. Nakakuha sila ng dagdag pondo sa MSWD sa programa ng SLP sa pamamagitan ng SEA-K na isinusulong ng Munisipyo ng Ibaan. Mula sa pondo na yun ay napalaki ng konti ang kanyang patahian at nadagdagan pa ang kanyang mga mananahi at pagmayyari ng net bag ay pinipick- up na ito ng nagdedeliver ang mga yaring net bag at saka binabayaran para maibigay o maipasweldo sa mga mananahi. Nag-umpisa sila sa 4 na mananahi hanggang sa maging 21 na ang kanilang mananahi. At ang isang bondle ay naglalaman ng 500 piraso at ang isang mananahi sa isang linggo ay nakakagawa ng 40 na bondle.

Nakapagsimula ng pagtitinda ng frozen foods at bigas si Aling Rochelle ng Brgy. Balanga sa tulong ng SEA-K.
Nakapagsimula ng pagtitinda ng frozen foods at bigas si Aling Rochelle ng Brgy. Balanga sa tulong ng SEA-K.

Sa Brgy. Balanga, isa naman si Gng. Rochelle Dela Cruz sa mga nabigyan o napasali sa programang SEA-K na taga barangay Balanga Ibaan, Batangas. Natulungan sila nito sa pamamagitan ng pagpapahiram ng pondo upang makapagsimula sila ng maliit na pagkakakitaan. Nabigyan siya ng puhunan sa kanyang bigasan at frozen meat tulad ng Longganisa, Tocino, Patties at marami pang iba. Nagsimula siyang magtinda noong June 2015.

Pananahi naman ng damit ang naging hanap-buhay ni Aing Judith.
Pananahi naman ng damit ang naging hanap-buhay ni Aing Judith.

Isa pa sa napabilang sa programang SEA-K ay si Gng. Judith Nudo na taga barangay Balanga na nagtatahi ng damit at kurtina. Malaki ang naitulong nitong programang ito sa kanya at sa kanyang pamilya dahil sa napasama sila sa nabigyan ng puhunan upang maidagdag sa kapital nila.

Nagpapasalamat sila sa Lokal na Pamahalaan kay Mayor Juan “Danny” Toreja at unti- unti ng lumalago ang kanilang tahian at sa kanyang mga mananahi ay nagpapasamat. At duon sa mga mananahi ay tangkilikin natin ang produkto at huwag mawalan ng pag-asa dahil dati ay 4 lamang at unti- unti na itong napalago.

Natutuwa naman si Mayor Danny Toreja na nakakatulong ang kanyang administrasyon sa pagbibigay ng pangmatagalang pangkabuhayan sa halip na mga panandalian lamang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s