170 estudyante sa kolehiyo, tumanggap ng Educational Assistance

September 29, 2016 | Cinderella D. Samson

 

Sa layuning mapalakas pa ang kalidad ng susunod na “labor force” mula sa bayan ng Ibaan, muling nagbigay ng ayuda o “educational assistance” ang pamahalaang bayan ng Ibaan lalong higit sa 170 na mag-aaral sa kolehiyo na hindi napabilang sa opisyal na talaan ng “iskolar ng bayan” sa ilalim ng Municipal Scholarship Program, Setyembre 29.

Click here for more photos.

Sa isang panayam kay Mayor Danny Toreja, sinabi niya na nanghihinayang siya sa mga kabataan na maaring matigil sa pag-aaral dahil sa kawalan o kakulangan sa aspetong pinansyal. Para sa kanya, dapat matulungan ang mga ito upang patuloy na magkaroon ng kumpiyansa at tiwala sa sarili.

“Gustuhin man natin na ma-accommodate sila lahat, hindi natin magawa dahil sa kakulangan sa pondo. Maraming aspeto, o sektor ang ating bayan na dapat din mabigyan din ng pondo. Binabalanse natin sila na hangga’t maaari, lahat ng sektor ay ating mabigyang pansin”, dagdag pa ni Mayor Toreja.

Nagkakahalaga ng P3,000.00, ang nasabing programa para sa educational assistance ay isinulong ni Mayor Danny Toreja at nasimulan noong unang semestre ng taong 2015 at patuloy na isinasagawa hanggang sa kasalukuyan. Sa bawat semestre, kinakailangan na mag-sumite ng aplikasyon ang isang mag-aaral para sa nasabing educational assistance. Kinakailangan lamang na pasado siya sa lahat ng subject. Kumpara naman sa mga napabilang sa Municipal Scholarship Program, walang itinakdang “average maintaining grade” ang isang beneficiary ng educational assistance.

“Hindi na tayo naglagay ng maintaining grade. Dahil ang intensyon naman natin dito ay matulungan sila. Sa Municipal Scholarship Program, dapat hindi bababa sa 2.5 ang grade nila dahil na rin sa mas malaki ang halaga na ibinibigay natin sa kanila”. patuloy ni Mayor Toreja.

Samantala, sa kasalukuyan ay mayroong 80 mag-aaral sa kolehiyo na tumatanggap ng P10,000.00 kada semestre ang kabilang sa Municipal Scholarship Program ng pamahalaang bayan ng Ibaan. Kadalasan na nagkakaroon lamang ng bakanteng “slot” ang programa sa mga pagkakataon na bumaba sa “required average maintaining grade” na 2.5 ang isang scholar.

(Note: Another article to be written in relation to Municipal Scholarship Program. And for those interested to avail the said scholarship, you may coordinate with Office of the Mayor and look for Ms. May Bagui or with Municipal Social Welfare and Development Office and look for Ms. Irene Torres.)

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s