Panukalang Paglalagay ng CCTV Sa Mga Establisyamento Sa Ibaan, Tinalakay Sa Public Hearing

November 18, 2016 | Lala E. Esmana

Isang hindi magandang karanasan ni Konsehal Socrates Arellano sa kanilang negosyo sa Alitagtag, Batangas ang nagtulak sa kanya upang buuin at isulong sa Sangguniang Bayan ang isang panukalang ordinansa na nagbibigay direktiba sa mga establisyamento sa bayan ng Ibaan ng maglagay ng CCTV camera at iba pang monitoring device sa kanilang nasasakupan.

Ayon sa kanya, ang kanilang negosyo ay pinasok ng mga kawatan upang pagnakawan. Subalit dahil sa pagkakaroon ng mga CCTV sa nasabing bayan, agad na natukoy ang salarin na nagresulta sa agarang pagresolba ng kaso.

Bunsod nito, bilang Author ng panukalang ordinansa at bilang Chairman Committee on Peace and Order, Public Safety at Drugs Prevention and Control, kasama ang Vice Chairmen ng nasabing komitiba na si Kon. Mateo Guerra at iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan, na sina Kon. Paul John Chua, Kon. Julius Panaligan, Kon. Juvy Mendoza, Kon. Cesar Marasigan, Kon. Edward de Castro, ganun din si SB Secretary Roy Esmenda, pinangunahan niya ang isang public hearing para sa panukalang ordinansa na may titutlong “AN ORDINANCE REQUIRING ALL COMMERCIAL, INDUSTRIAL AND SERVICE ESTABLISHMENTS OPERATING IN THE MUNCIPALITY OF IBAAN, BATANGAS TO INSTALL CLOSE CIRCUIT TELEVISION (CCTV) CAMERAS, MONITORING DEVICES AND SIMILAR EQUIPMENT WITHIN THEIR PREMISES AND PROVIDING PENALITIES FOR VIOLATION THEREOF“.

Dumalo din sa pagdinig ang OIC ng Ibaan Municipal Police Station PSI Joel B. Ilagan. Pangunahin namang panauhin ang mga negosyate, mga barangay officials at representante ng iba’t ibang sektor. Ang nasabing public hearing ay ginanap sa Recto Gymnasium, November 18, alas nuwebe ng umaga.

Sa pagsisimula ng pagdining, unang inilatag ni Kon. Soc Arellano ang nilalaman ng kanyang panukalang ordinansa. Sinundan ito ng pagpapakita ng ilang video clips mula sa internet na nagpapakita ng mga kriminalidad na nakuha ng CCTV camera mula sa iba’t ibang establisyamento. Ito ay upang bilang ayuda sa kahalagahan ng huli kung saan maaari itong makatulong sa proteksyon ng mga negosyo at kaligtasan ng mga empleyado, ganun na rin ang mga nagmamay-ari ng negosyo.

Sa parte naman ng pamahalaang bayan ng Ibaan, ayon sa kanya, nakapaloob sa Executive Agenda ng Punong Bayan na si Mayor Danny Toreja  ang plano na maglagay ng CCTV at monitoring devices sa pangunahing lansangan ng bayan na maaring magmula sa Poblacion- Rotonda (Palindan) hanggang Ibaan Public Market. Dagdag pa niya, naglaan na rin ng budget na nagkakahalaga ng P2,000,000.00 para sa nasabing proyekto.

Ganun pa man, hindi pa malinaw kung maipatutupad ito sa taong 2017. Makikipagpulong pa rin siya sa Punong Bayan tungkol dito.

Sa pagtatapos ng paglalahad ni Kon. Arellano, tumayo naman si Kon. Juvy Mendoza kung saan binanggit niya ang ilan sa mga establisyamento sa Ibaan na mayroon nang CCTV tulad ng Ibaan Electric, 7-11, Saint James Academy at iba pa. Sinang-ayunan din niya ang kahalagahan ng CCTV sa mga establisyamento at kaligtasan ng tao dahil siya din ay mayroong CCTV sa kanyang negosyo.

Matapos nito, binuksan ang pagkakataon para sa malayang talakayan upang dinggin ang mga punto at suhesyon ng mga panauhin.

Nauna nang tumayo si G. Glando Perez sa malayang talakayan upang bigyang pansin ang ilan sa mga probisyon ng panukalan. Partikular niyang tinukoy ang Section 7 ng panukalang ordinansa na patungkol sa “access to cctv” (Section 7. Access to the CCTV. It shall be unlawful for any person to resist the duly authorized authorities or police to access the CCTV recordings or video tapes/footage in aid of the investigation.  Provided the assigned officer or person in authority must show the written authority issued to him/her by the Local Police chief or Officer-in-charge for that matter.).

Ayon sa kanya, kung access to cctv ang pag-uusapan, marapat na ang kopya lamang ng cctv na may direktang kinalaman sa naganap na krimen ang siyang dapat na ibigay ng mga concerned businessmen sa awtoridad. Maaari umanong malabag ang “privacy” ng mga negosyante kung pati ang mga walang kinalamang sa krimen na kopya ng CCTV ay ibibigay pa din sa mga awtoridad.

Dagdag pa niya, wala umanong problema at hindi siya tutol sa panukalang ordinansa dahil siya mismo ay mayroon nang CCTV sa kanyang maliit na negosyo. Inaalala lang din niya ang kakayanang pinansyal ng ibang negosyante lalo pa’t umabot sa P30,000.00 ang kanyang nagastos sa pagpapalagay ng CCTV halos tatlo o apat na taon na ang nakalipas. Higit pa umano itong magiging problema lalo pa’t tinatarget ng Sangguniang Bayan na maipaatupad ito sa taong 2017 base sa paglalahad ni Kon. Arellano.

Bunsod nito, hiniling na rin ni dating Konsehal Tony Benitez na maipagpaliban hanggang 2018 ang pagre-require sa mga establisyamento na maglalagay na CCTV dahil malinaw na dagdag gastusin ito sa mga negosyante lalo pa’t nalalapit na rin ang pagtatapos ng taon kung saan magre-renew na muli sila ng Business Permit.

Ayon pa rin kay G. Glando Perez, kung talagang seryoso umano ang pamahalaang bayan na maipatupad ang ordinansa, dapat na mauna muna ang pamahalaang bayan sa paglalagay ng kanilang CCTV at command center at kung maaari ay maisagawa ito sa taong 2017. At kung maisasakatuparan ito, wala nang dahilan para sa kanilang mga negosyante na hindi sumunod sa halimbawa ng pamahalaang bayan.

Samantala, nagbigay naman ng suhestyon si Gng. Girlie Cantilo na Konsehal ng Brgy. Talaibon at tumatayong PTA President ng Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School (DJAPMNHS). Ayon sa kanya, kung maaari ay masakop na rin ng CCTV ng pamahalaang bayan ang harapan ng nasabing paaralan dahil sa mga away na nagaganap sa pagitan ng mga mag-aaral. Hindi na rin umano siguro magiging kalabisan ang kanyang kahilingan dahil malapit na rin ito sa Ibaan Public Market.

Sa punto naman ng Barangay Chairman Rolando Pasia ng Brgy. Palindan, masyadong matagal ang requirement ng panukalang ordinansa na dapat ay animnapu (60) na nakalipas na araw na kuha ng CCTV ang dapat na i-store ng mga establisyamento. Malaking “space” ang kinakailangan para dito. Dagdag pa niya na sa kanyang tindahan, tatlumpung (30) araw lang ang kanilang ini-store at sapat na ito para ma-review ang mga naging kaganapan sa mga nakalipas na araw..

Nagtanong din ang iba pa na mayroon nang CCTV. Nais nilang malaman kung masasakop na ba sila ng nasabing ordinansa kung maipapatupad na tio sa taong 2017.

Sa isang banda, nagbigay naman ng suhestyo si G. Dennis Perez na makabubuti kung mag-imbita din ang Sangguniang at pamahalaang bayan ng Ibaan ng mga CCTV at monitoring devices provider para magkaroon ng pagkakataon ang mga negosyante na malaman at matutunan ang teknikal na aspeto ng mga CCTV. Kung magkakaroon umano ng exhibit o magkaroon ng demonstration ang mga CCTV provider, magkakaroon na rin ng ideya ang ibang negosyante sa halaga ng kanilang maaaring gastusin sa pagpapakabit ng CCTV.

Bilang tugon naman ni Kon. Arellano, maaring maipatupad ang ordinansa sa taong 2017 at maaring masakop na nito ang mga kasalukuyang mayroon nang CCTV lalo na sa punto ng “Access To CCTV” dahil magagamit na ito sa pagresolba ng anumang kriminalidad na maaring maganap sa hinaharap. Ganun pa man, sa isyu ng pagpapakabit ng CCTV ng mga negosyante, maaari umanong mabigyan o maglaan pa ng “grace period” hanggang 2018 base na rin sa kung ano ang mapapagkasunduan ng lahat na nakilahok sa nasabing public hearing.

Ayon pa sa kanya, hindi pa sarado ang nasabing panukalang ordinansa. Nasa unang pagbasa pa lamang umano ito sa Sangguniang Bayan.  Siniguro din niya na lahat ng mga suhestyon at opinyon na napag-usapan ay magiging bahagi at ikokonsidera sa muli nilang pagtalakay ng panukalang ordinasa sa Sangguniang Bayan bago ito isa-pinal. Bagay na sinang-ayunan ni Kon. Juvy Mendoza na nagbigay ng “summary” ng mga suhestyon at opinyon na ibinigay ng mga panauhin.

Samantala, dagdag naman ni Kon. Cesar Marasigan, ayon sa kanilang pag-aanalisa, ay sang-ayon naman ang majority ng mga dumalo sa public hearing. Ang tanging malaking katanungan lamang umano ay kung kailan maipatutupad ang ordinansa. Sa puntong ito, ibinalik niya ang katungan sa mga panauhin kung kailan nila kakayanin, base sa halaga ng pagpapakabit ng CCTV, na tumalima sa nasabing ordinansa.

Nagdagdag din kanyang suhestyon si Ibaan MPS Chief PSI Joel B. Ilagan. Hiniling niya sa mga negosyante na kung magpapakabit din lamang sila ng CCTV ay kung maaari ay iyon nang maganda at mataas na kalidad. Ayon pa sa kanya, mahalaga na maging malinaw ang mga kuha ng CCTV lalo na sa pag-determina ng mukha ng mga kawatan at plate number ng mga sasakyan na maaring gamitin ng huli sa pagsasagawa ng krimen. Mas mapapabilis umano ang pagresolba ng mga krimen. Ayon pa rin sa kanya, tumalima sana ang mga negosyante hindi lamang “for compliance” dahil kaligtasan din ng buong komunidad ng Ibaan ang nakasalalay dito.

Sa pagtatapos ng “public hearing”, bilang Vice Chairman ng Committee on Peace and Order, Public Safety at Drugs Prevention and Control, nagpasalamat si Kon. Mateo Guerra sa lahat ng dumalo na nagbigay oras para sa nasabing public hearing. Hiniling din niya na kung maaari ay mas marami pa ang dumalo sa mga susunod na public hearing sa kaalaman ng mas nakararami.

Sa huli, hiniling din niya na bigyang tiwala ang Sangguniang Bayan dahil lahat umano ng isinasagawa ng nasabing lupon ay para sa kabutihan ng bayan ng Ibaan.

Narito ang nilalaman ng panukalang ordinansa:

AN ORDINANCE REQUIRING ALL COMMERCIAL, INDUSTRIAL AND SERVICE ESTABLISHMENTS OPERATING IN THE MUNCIPALITY OF IBAAN, BATANGAS TO INSTALL CLOSE CIRCUIT TELEVISION (CCTV) CAMERAS, MONITORING DEVICES AND SIMILAR EQUIPMENT WITHIN THEIR PREMISES AND PROVIDING PENALITIES FOR VIOLATION THEREOF.

WHEREAS, Section 16 of the Local Government Code of 1991 or Republic Act No. 7160, also known as the General Welfare Clause provides that every local government unit shall exercise powers necessary for its efficient and effective governance and those which are essential to the promotion of general welfare;

WHEREAS, Sections 447 and 458 of the of said Republic Act 7160 provide that the Sangguniang Bayan shall enact ordinances for the general welfare of the municipality and its inhabitants pursuant to the abovementioned Section 16 of said law, and in this regard, enact and approve ordinances relative to the: (i) maintenance of peace and order in the municipality, (ii) suppression of lawlessness therein, and (iii) authorization of the issuance of permits or licenses upon conditions and for such purposes intended to promote the general welfare of the inhabitants of the municipality/city, regulating thereby any business which does not require government examination within the municipality and the conditions under which the license for said business may be issued or revoked;

WHEREAS, law enforcement agencies in the country have already proven that Closed Circuit Televisions (CCTV) are among the most effective tools in crime deterrence, prevention, detection and solution since there is a video recording which can be used in addition to the testimonies of witnesses:

WHEREAS, in order to intensify the Municipality’s drive to deter, prevent, detect, and solve criminality, and to preserve video recording as evidence, this August Body deems it proper to require the use of CCTV systems in business establishments within the Municipality of Ibaan, Batangas;

NOW THEREFORE, on motion by Hon. Socrates R. Arellano duly seconded by Hon. _________ and approved by all members present, be it;

ORDAINED as it is hereby ORDAINED by the Sangguniang Bayan of Ibaan in session duly assembled to ENACT, the following ordinance, to wit:

Section 1. Title. This ordinance shall be known as the “CCTV ordinance of the Municipality of Ibaan, Batangas.”

Section 2. Coverage. All financial establishments and businesses enumerated are hereby mandated to install CCTV’s and other video monitoring devices in their establishments:

  1. Rural and Commercial Banks
  2. Lending firms
  3. Pawnshops
  4. Credit Cooperatives
  5. Investment firm
  6. And other financial establishments and businesses

Private establishments catering to the general public with a declared capitalization of not less than FIVE HUNDRED THOUSAND PESOS and hereto enumerated are hereby required to install CCTVs and other video monitoring devices in their respective establishments:

  1. Restaurants / Canteens
  2. Gasoline station
  3. Resorts, hotels and inns
  4. Groceries
  5. Convenience Stores
  6. Multi-purpose Cooperatives
  7. Factories
  8. Manufacturing
  9. Warehouses
  10. Feed mills
  11. Hardware stores
  12. Bakeries
  13. Schools and other learning institutions
  14. Internet shops
  15. Sports centers
  16. And other establishments catering to the general public

Section 3. Location of the Cameras. The CCTV cameras and other video monitoring devices shall be inside entrances, or in any areas of the establishments as determined by the owners/management and parking areas focusing at the road frontage.

Section 4. Clarity of Images. The CCTV cameras installed shall produce recognizable, retrievable, enlargeable and reproducible photographic images of persons and that they be of sufficient clarity for identification purposes, remain fixed in the designated areas.

Section 5. Protection of the CCTV. The owners of the establishments having CCTV cameras shall ensure that the cameras are working properly. They shall also protect the recorder in some kind of vandal-proof protection.

Section 6. Preservation of the Recordings. Owners are required to keep, store and preserve the daily video recordings from the CCTVs for a minimum period of at least 60 days for review purposes and reference. Owners shall ensure the accuracy of time keeping in conjunction with what has been recorded. After that period, the recording may be deleted or overwritten, unless the members of the composite team require its preservation. After the 60 days preservation period, the owner shall not be held liable upon deletion or overwritten of the records.

Section 7. Access to the CCTV. It shall be unlawful for any person to resist the duly authorized authorities or police to access the CCTV recordings or video tapes/footage in aid of the investigation.  Provided the assigned officer or person in authority must show the written authority issued to him/her by the Local Police chief or Officer-in-charge for that matter.

Section 8. Creation of a Composite Team. That Municipal Government shall create a Composite Team tasked to inspect the CCTV and monitor the implementations of this ordinance, to be composed of the following:

  1. Ibaan Police Office – The authorized office to access the CCTV for investigation and to issue written authority for the access of the CCTV.
  2. Barangay Chairman (his/her authorized representative where establishments to be Inspected were located) – to accompany the investigator during the access of the CCTV within their respective barangay.
  3. Mayors Office (Licensing officer) – shall make sure that prior to the issuance of business permit/s, the business establishment/s has complied with this ordinance.

Section 9. Penalty. Failure of the owners/managers to install CCTV cameras and other video monitoring devices in their establishment, shall subject them to the following penalty.

  1. First Offense – Warning, with condition that the establishment shall install CCTV within sixty (60) days
  2. Second Offense – Fine of P1,000.00
  3. Third Offense – Fine of P2,500.00
  4. Fourth Offense – Suspension of Business Permit

In violation of Section 7, resistance to give the copy of the recordings to the proper authorized local authorities or police in aid of the investigation, the establishments shall be subject to cancelation or suspension of the Business Permit or Mayor’s Permit.

Section 10. Repealing Clause. All ordinances, resolutions, orders inconsistent with the provisions of this ordinance are hereby repealed, amended or modified accordingly.

Seciton 11.Separability Clause.  If any part or provision of this ordinance is declared invalid by proper authority, parts not mentioned shall be in full force and effect.

Section 12. Effectivity. This ordinance shall take effect on January 2017.

Matapos ihayag ang tungkol sa panukala, nagkaroon naman ng malayang talakayan sa pagitan ng komite at mga may ari ng mga establisimiyento. Nagkaroon ng ilang mga katanungan at suhestyon mula sa mga taga pakinig.

Isa sa mga naging suhestyon mula kay G. Antonio Benitez ay unahin lagyan ng CCTV  ang kahabaan ng kalsada sa Brgy. Poblacion. Mula naman kay Gng. Tata ay mauna munang magpatupad ang munisipyo. Nagmungkahi si G. Dennis Perez na kung maaari ay mag imbita ng mga CCTV suppliers para sa impormasyon ng halaga at installation.

Hiniling din dito ng mga may ari na sila ay mabigyan ng sapat na panahon upang makapag pakabit sapagkat hindi rin biro ang halaga nito.

Nagbigay naman ng mga halimbawa ang mga komite tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng CCTV.

Ayon kay Konsehal Soc, “ malaki ang maitutulong ng panukalang ito sa atin, hindi lamang sa bayan ng Ibaan kundi pati na rin sa ating mga hanapbuhay.”

Narito naman ang mga listahan ng mga dumalo sa public hearing:

  1. Rea Marasigan
  2. Kap. Amado De Castro
  3. Ronnie Bolanos
  4. Martina Gomez
  5. Jason Suarez
  6. Nenita Viros
  7. Geraldine Manahan
  8. Kap. Eddie Pasia
  9. Joel Paner
  10. Pamela Pabu
  11. PO1 Florentino Buenafe
  12. Danny Portuguese
  13. Arcadia Duque
  14. Hermie Guerra
  15. Edlen Panday
  16. Jhen Claus
  17. Jayson Lucio
  18. Kon. Wilfredo Claveria
  19. Kap. Zosimo Malata
  20. Edna Atienza
  21. Kap. Emilio Montalbo
  22. Kon. Jose Panganiban
  23. Kon. Roberto Guerra
  24. Isidro Bitanga
  25. Rommel De Los Reyes
  26. Alfredo Delino Jr.
  27. Julia Patena
  28. Avelina Andal
  29. Violo Marasigan
  30. Renato Perez
  31. Raciel Perez
  32. Jose De Torres
  33. Liezel Rubis
  34. Tonibee Benitez
  35. Mael Peramo
  36. Melanie Espiritu
  37. Glando Perez
  38. Nelia Valencia
  39. Kap. Rolando Pasia
  40. Kap. Gilbert Kalalo
  41. Mary Rose Sauro
  42. Kon. Gierly Cantillo
  43. Kon. Louella Calaycay
  44. Michael Bryan Babasa
  45. Lucie Vilela
  46. Lilibeth Mailig
  47. Kon. Silvestre Malaluan
  48. Kap. Ariel Soriano
  49. Epie Cabanela
  50. Ronald Panganiban
  51. Jubilant Travel and Tours
  52. Symon Merene
  53. Allan Guerra
  54. John Nicko Panopio
  55. Gloria Lograno
  56. Rosie Castillo
  57. Ricky dela Pena
  58. Priscila Semira
  59. Emie Liza Bagsic
  60. Wilbert De castro
  61. Christine Buenafe
  62. Edna Manigbas
  63. Anita Pangilinan
  64. Justina Villones
  65. Joenilyn De Guzman
  66. Andres Baldo
  67. Cherry Germo
  68. Emma Senyahan
  69. Erick James Senyahan
  70. Rolando Alvarez
  71. Eloisa Mendoza
  72. Emiliana Mendoza
  73. Rafael Tanamor
  74. Marissa Alcazar
  75. Catherine Tayao
  76. Arniel Torino
  77. Gil Andal
  78. Marian Bautista
  79. Ivy Enriquez
  80. Belen Datusan
  81. Norma Clarete
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s