57 Medalya, Inuwi Ng Mga Manlalarong Batang Ibaan Mula Sa Division Sports Competition

December 05, 2016 | Lala E. Esmana

Isang kahanga-hangang tagumpay ang naitala ng mga batang atleta ng bayan ng Ibaan na pinatutunayan ng 57 medalya na kanilang naiuwi mula sa prestihiyosong Division Sports Competition na ginagaganap noong November 21 – 25, 2016 sa Batangas Sports Complex, Bolbok, Batangas City.

Click here for more photos.

Ayon sa tala ng Ibaan Sports Development Council, nakuha ng mga Batang Ibaan ang 23 Gold Medals, 19 Silver Medals, at 15 Bronze Medals mula sa iba’t ibang larangan ng kompetitisyon.

Ang Division Sports Competition ay taunang isinagasawa ng Department Of Education kung saan pangunahing kalahok nito ay mga mag-aaral ng elementary at sekondarya mula sa pampubliko at pribadong paaralan. Ang mga kalahok ay nanuna nang nagwagi sa kani-kanilang distrito sa buong Probinsya ng Batangas.

Para sa delegasyon ng bayan ng Ibaan kinabibilangan ito ng mga manlalaro mula sa Elementary at Sekondarya na lumahok sa larangan ng Arnis, Gymnastics, Billiards, Table Tennis, Basketball at Taekwondo.

Pinangunahan ng mga guro sa iba’ ibang paaralan na tumatayo din bilang miyembro at opisyal na trainors at coaches ng Ibaan Municipal Physical Fitness and Sports Development Council ang pagsasanay sa mga manlalaro. Ang nasabing council ay naitatag noong 2011 – 2012 sa pangunguna ni Mayor Danny Toreja at kasalukuyang pinamumunuan ni Engr Noriel Aguila.

ibaan-athletes-bring-home-57-medals-from-division-sports-competition-2016-mayor-danny-toreja
Tatlo sa mga batang manlalaro ng arnis ng Ibaan na nag-uwi din ng medalya mula sa nasabing kompetisyon.

Ang mga batang manlalaro ng arnis, gymnastics, billiards, taekwondo at ay sinanay ng mga guro mula DJAMPHS na sina G. Danilo Magtaas at G. Ronnel Escalera. Sinanay naman nina Dr. Heczel Miñas , G.Huberto Caiga, Engr. Jose Jay Pateña at G. Dereck Doy P. Tejada mula sa Ibaan Tennis Club ang mga batang lumahok sa palarong table tennis.

Nakamit ang over- all champion ng mga batang manlalaro ng arnis sa elementarya na nakakuha ng limang gold medals, tatlong silver at isang bronze. Mula sa tatlumpo’t apat na bayan, nakamit ng Ibaan ang ika-labing anim na puwesto base sa pangkalahatang panalo sa nasabing kompetisyon.

Sa isinagawang paggagawad ng pagkilala sa mga nasabing manlalaro ng pamahalaang bayan ng Ibaan matapos ang flag ceremony, December 5, ipinangako ni Mayor Danny Toreja na patuloy niyang paglalaanan ng suporta ang mga programa na patuloy na tutuklas at huhubog sa galing ng mga manlalaro at atleta ng bayan ng Ibaan.

Sinabi rin niya na ang mga batang papasok sa kolehiyo mula sa mga manlalarong ito ay magiging prayoridad upang mabigyan ng scholarship sa ilalim ng kanyang tanggapan.

Taon-taon ay dumarami at umaangat ang standard ng mga training programs sa bayan ng Ibaan dahil na rin sa mga makamit na karangalan ng mga batang sumailalim sa pagsasanay.

Ang bawat isang manlalaro na nagkamit ng mga medalya ay pinagkalooban ng Certificate of Recognition mula sa Punong Bayan sa B.R. Medrano Plaza, December 05, 2016 pagkatapos ng flag raising ceremony.

Narito ang listahan ng mga batang nagwagi sa Division Sports Competition:

Table Tennis Boys

GOLD MEDALIST:

  • Mark Shawen Miñas (SAINT JAMES ACADEMY)
  • Bryan Banawa (UNIVERSITY OF BATANGAS)
  • Daisy Rose Barte (DJAPMNHS)
  • Tristan Ivan Guerra (PROCOPIO MAILIG MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL)

SILVER MEDALIST:

  • Lan Irone Flores (CASA DEL BAMBINO MONTESSORI)
  • Ran Drick Kenneth Umali (SAINT JAMES ACADEMY)
  • Liecell Paz (DJAPMNHS)
  • Cedrick Guerra (PROCOPIO MAILIG MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL)

BRONZE MEDALIST:

  • Jeremie Patupat (PROCOPIO MAILIG MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL)

BASKETBALL SECONDARY GIRLS

SILVER MEDALIST:

  • Sofia Clayne Magtibay (SAINT JAMES ACADEMY)
  • Antonette Manalo (SAINT JAMES ACADEMY)

TAEKWONDO SECONDARY BOYS

GOLD MEDALIST:

  • Brevin Codec Reyes (SAINT JAMES ACADEMY)

TAEKWONDO ELEMENTARY BOYS

GOLD MEDALIST:

  • Monsour Peregrino (SAN AGUSTIN ELEMENTARY SCHOOL)

BRONZE MEDALIST:

  • Henry James Salazar (SAINT JAMES ACADEMY)

GYMNASTICS

Cluster 1- Isabel Beatriz Yap (1st Place)

Cluster 2- Aleana Jean Gunday (2nd Place)

ELEMENTARY WAG TEAM (GOLD)

  • Isabel Beatriz Yap
  • Aiken Louise Castro
  • Aleana Jean Gundaya

SECONDARY WAG INDIVIDUAL

  • Jabez Ane Danielle Sastrillo (Champion)

WAG TEAM COMPETITION (CHAMPION)

  • Joana Marie Baril
  • Jabez Ane Danielle Sastrillo
  • Mary Grace Sastrillo

SILVER MEDALIST WAG ELEMENTARY

  • Aleana Jean Gundaya

BILLIARDS

GOLD MEDALIST:

  • Wendell Tanyag

SILVER MEDALIST:

  • Tricia Mae Libera

ARNIS

ELEMENTARY GIRLS:

  • Azel Daniz Agtarap
  • Gold- Individual Solo Baston
  • Gold- Team Doble Baston
  • Gold- Team Espada y Daga
  • Silver- Team Solo Baston
  • Silver- Individual Doble Baston
  • Bronze- Individual Espada y Daga
  • Kaycee Po and Khaiane Sanggalang
  • Gold- Team Doble Baston
  • Gold- Team Espada y Daga
  • Silver- Team Solo Baston

ELEMENTARY BOYS:

  • Ralph Justine Hernandez
  • Bronze- Individual Solo Baston
  • Ralph Justine Hernandez, Jayvee Adajar, and Ron Janap
  • Bronze- Team Solo Baston
  • Silver- Team Espada y Daga

SECONDARY GIRLS:

  • Kimberly Ilao
  • Gold- Full Contact Events
  • Silver- Team Espada y Daga
  • Bronze- Team Solo Baston
  • Bronze- Team Doble Baston
  • Donna Kristel Verana
  • Gold- Individual Doble Baston
  • Bronze- Full Contact Event
  • Charmi Mae Merene
  • Silver- Team Espada y Daga
  • Bronze- Team Solo Baston
  • Bronze- Team doble Baston
  • Bronze- Full Contact Event
  • Ma. Paula De Chavez
  • Silver- Team Espada y Daga
  • Bronze- Team Solo Baston
  • Bronze- Team Doble Baston
  • Phia Loren Abello (FULL CONTACT) GOLD, (ANYO) BRONZE (SAINT JAMES ACADEMY)

SECONDARY BOYS:

  • Jose Enri Villalobos
  • Gold- Individual Solo Baston
  • Silver- Individual Espada y Daga
  • Silver- Full Contact Event
  • Raymond Liwag, Mark Angelo Dimaano, and Miguel Santiago
  • Silver- Team Solo Baston
  • Silver- Team Doble Baston
  • Bronze- Team Espada y Daga

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s