Mga Kandidata Ng Mutya Ng Ibaan 2017, Ipinakilala

20161107_114819
Malugod na tinanggap ni Mayor Danny Toreja sa kanyang opisina ang mga kandidata para sa Mutya Ng Ibaan 2017 (Photo by Aron Paul Minas).

November 07, 2016 | Lala E. Esmana at Cinderella D. Samson

Ganap nang ipinakilala ang mga kandidata para sa Mutya ng Ibaan 2017 sa B.R Medrano Plaza, Nobyembre 7, alas otso ng umaga.

Click here for more photos.

Ang Mutya ng Ibaan 2017 ay gaganapin bilang bahagi sa selebrasyon ng 185th Founding Anniversary ng bayan ng Ibaan.

Tinanggap ng dalawampu’t dalawang kandidata ang kani- kanilang official sash na iginawad sa kanila sa pangunguna ng Punong Bayan, Mayor Danny Toreja kasama ang miyembro ng Sangguniang Bayan

Isa- isa nilang ipinakilala ang kanilang mga sarili at ang barangay na kanilang kinakatawan.

Narito ang mga pangalan ng mga kandidata at barangay na kanilang kinakatawan:

  • Bungahan
    • Mary Rose D. Mendoza
  • Calamias
    • Patricia Ann B. Verana
  • Catandala
    • Serlin C. Pasia
  • Coliat
    • Erica A. Lumanglas
  • Dayapan
    • Karen C. Go
  • Lapu- lapu
    • Renee Coleen O.Sta Teresa
  • Lucsuhin
    • Gelen M. Tila
  • Mabalor
    • Liveth Claire P. Ongjoco
  • Malainin
    • Vanity S. Hernandez
  • Matala
    • Irish Kimberly L. Recto
  • Munting tubig
    • Michaela Andreya A. Albao
  • Panghayaan
    • Francis Anne G. Portugal
  • Palindan
    • Eryca M. Bagsic
  • Quilo
    • Loren Ginelle P. Pateña
  • Sabang
    • Aireen P. Manalo
  • Salaban I
    • Abigail M. Culla
  • Salaban II
    • Chrystyle Mae C. De Torres
  • San Agustin
    • Avery Gale A. Cabatay
  • Sandalan
    • Celline M. Hernandez
  • Sto. Niño
    • Haizel D. Delgado
  • Talaibon
    • Jhana Franz A. Guerra
  • Tulay
    •  Sheila Mella E. De Castro

Gayundin, ipinakilala ang tatlong binibini na lumahok sa katatapos lamang na Ms. Global Philippines Tourism at nahirang bilang mga ambassadress. Sila ay sina Bb. Sammie Anne Legaspi (Miss Global Philippines 2016 Runner- up) mula sa Dasmariñas, Cavite, Clarize Angelica Barrameda (Miss Philippines Earth 2011 and Miss Southeast Asian Beauty 2013 in Bangkok, Thailand) mula sa Caloocan City at Princess Marie Garcia (Mutya ng Malvar 2015) na buhat naman sa Malvar, Batangas. Ang tatlong binibini ay nagbahagi ng dagdag kaalaman, tamang pag- rampa at karanasan sa mga kandidata.

Ang tatlong binibini ay nagpaunlak sa imbitasyon ni G. Ian Paul Semira na nakatulong sa ating mga kandidata.

Matapos ang pagpapakilala ay nagtungo sa opisina ng alkalde ang mga kandidata at duon ay nagbigay ng mensahe at mga paalala.

Ayon sa alkalde, “Kailangan ng isang kinatawan ang self-confidence. Kailangang maipakita ng mga taga- Ibaan na sila ay magaganda. Kayo ang kakatawan sa inyong mga barangay, at wag kalimutan na kayo ang pinakamaganda”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s