15 Sugatan Sa Pagkahulog ng L300 Van Sa Ilog Ng Catandala

December 05, 2016 | Lala E. Esmana at Cinderella D. Samson

Isang tawag mula sa isang concerned citizen ang natanggap ng Ibaan Municipal Police Station tungkol umano sa pagkahulog ng isang L300 van patungo sa mga barangay ng Catandala, Mabalor at Panghayaan, Disyembre 05 taong kasalukuyan alas diyes kwarenta ng umaga.

Matapos matanggap ang balita, agad na nagtungo ang patrol team sa pangunguna ni SPO1 Reynaldo Dusal at mga kasamahan patungo sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.

Ayon sa imbetigasyon, bandang alas diyes y medya ng umaga, ang Mitsubishi L300 Van na may plakang UAZ340 na minamaneho ni G. Ceferino P. De Torres, 45 taong gulang, taga Brgy. Catandala,  ay nawalan ng preno habang binabagtas ang palusong na daan ng  Balanga patungo sa kabila ng ilog.

Bagama’t nawalan ng preno, nagawa pang maibaling ang sasakyan pakanan makalampas ng “landing” mula sa paglusong galing ng Brgy. Balanga. Sa pagkanan na ito nahulog ang sasakyan sa bandang kaliwa ng daan na may taas na 30 feet. Nagresulta ito sa pagtatamo ng mga pasahero ng galos at sugat sa katawan, habang ang ilan naman ay bahagyang nabalian o naipit ang ilang bahagi ng katawan.

Wala namang naiulat na tumilapon palabas ng sasakyan sa pagbagsak nito dahil sa rehas na nakalagay sa apat na bintana nito.

Inaalam pa kung saang bahagi ng paglusong nagsimulang mawalan ng preno ang sasakyan.

Samantala, mabilis na naireport sa pulisya ang insidente dahil na rin sa pagkakataon na napadaan sa pinangyarihan ng insidente si G. Reymar Gonzales na siyang agad na pumunta sa bayan upang pagbigay alam ang pangyayari. Nakausap si G. Domingo Ilagan na agad naman tumawag sa pulisya.

Nauna nang nagtungo ang grupo ng Bureau of Fire Protection na agad na bumaba sa binagsakan ng sasakyan. Kasunod nito ang pagdating ng ambulansya at medical team mula sa Municipal Health Office.

Maging si Mayor Juan Toreja ay nagtungo sa pinangyarihan nang aksidente upang masiguro ang  mabilis na pagresponde sa aksidente. Nagtungo din sya sa Queen Mary Hospital na pinagdalhan ng mga biktima upang makausap ang mga doktor at malaman ang kalagayan ng mga biktima.

Nagpapasalamat din ang lahat dahil walang nasawi sa insidente.

Ganap na alas 11:05 ng umaga ng matapos ang operasyon at nadala ang mga biktima sa  Queen Mary Hospital lulan ng ambulansya para sa madaliang medikasyon.

Narito ang mga pangalan ng mga pasaherong biktima ng aksidente:

  • Rosalina D. Alido- 69 yrs. old
  • Jasmin O. Rabino- 45 yrs. old
  • Rozaida A. Bicol- 35 yrs. old
  • Jon jon D. Mallari- 39 yrs. old
  • Rosalia C. Ilao- 68 yrs. old
  • Jonalyn R. Repollo- 29 yrs. old
  • Rina M. Panglao- 25 yrs. old
  • Lealyn P. Pais- 1 yr. old
  • Verna De Chavez- 42 yrs. old
  • Lucila Lactawin- 45 yrs. old
  • Simeon Sellona- 43 yrs. old
  • Fausta R. Panganiban- 68 yrs. old
  • Marina R. Gomez- 54 yrs. old
  • Monica S. Rabano- 49 yrs. old
  • Ceferino P. De Torres- Driver- 45 yrs. old
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s