Brgy. Poblacion, Kampeon sa Women’s Inter- Barangay Volleyball League

October 1, 2016 | Lala Esmana

Naiuwi ng Brgy. Poblacion ang karangalan matapos na masungkit ang kampyonato laban sa Brgy. Pangao sa katatapos lamang na 2nd Mayor Juan V. Toreja Women’s Inter-Barangay Volleyball League 2016 na ginanap sa Recto Gym, October 1.

Nagharap sa kampeonato ang dalawang barangay matapos na makakuha ng sapat na bilang ng panalo laban sa iba pang labing-dalawang ng koponan mula sa katulad na bilang ng barangay. Ito na rin ang naging “ticket” nila upang magtuos laban sa isa’t isa.

Sa pagsisimula ng Championship game, naging mahigpit ang laban kung saan pareho silang nakakuha ng tig-dalawang panalo, dahilan upang magkaroon ng ikalimang “tie-breaker-set”

Dala ang masidhing pagnanasa para sa tagumpay, agad na umukit ng tatlong sunod na puntos ang Brgy. Poblacion mula sa impresibong service aces ni Allen Caringal.

Subalit hindi nanatili ang swerte sa kamay ng Brgy. Poblacion at agad na lumipad ito sa bakod ng Brgy. Pangao na agad din namang naitabla ang iskor sa tig-tatlong puntos. Ito ang unang pagkakataon na nagtabla ang iskor na sinundan ng labing-lima pang pagkakataon sa kabuuan ng laro.

Sa patuloy na palitan ng bola mula sa magkabilang panig, umabot ang iskor sa krusyal na 17-17. Pero dahil na rin sa walang humpay na pagpupursige ng Brgy. Poblacion, magkakasunod na violations ang na-commit ng Brgy. Pangao na siyang naging susi upang makamit ng Brgy. Poblacion ang tagumpay sa iskor na 17-19.

Huling Apat

Mula sa labing-apat na koponan na kinabibilangan ng Brgy. Bago, Balanga, Bungahan, Coliat, Matala, Palindan, Pangao, Poblacion, Sabang, Salaban II, San Agustin, Sto. Nino, Tulay at Talaibon, nakuha ng apat ang pagkakataon na magtunggali sa semifinals patungo sa finals.

Nakaharap at tinalo ng Brgy. Poblacion ang Brgy. Palindan. Naungusan naman ng Brgy. Pangao ang Brgy. Salaban II na nagbigay sa kanila ng karapatan na labanan ang Brgy. Poblacion para sa kampyonato.

Binuo nina Myla Soriano, Aileen Rosal, Nimfa Panopio, Aira Miñas, Shindy Mae Dimaano, Estelita Awa, Maryrose Calaycay, Mariejo Allen Caringal, Phoebe Endaya at Joy Miñas ang koponan ng Brgy. Pobalcion, habang nirepresenta naman nina Nonette Rivero, Lailani Rivero, Bethaby Chloe Maralit, Liezel Real, Jonalyn Real, Jennifer Corachea, Sheryl Tanyag, at Lilian Rivero ang koponan ng Brgy. Pangao.

Samantala, naitala ng Brgy. Palindan ang panalo para sa 2nd Runnerup laban sa Brgy. Salaban II na nalagay bilang 3rd Runnerup.

Natatanging Manlalaro Ng Liga

Sa pagtatapos ng labanan sa pagitan ng Brgy. Poblacion at Brgy. Pangao, isinagawa din ang paggagawad ng karangalan sa mga natatanging manlalaro ng liga kung saan tinanghal bilang Most Valuable Player si Shindy Mae Dimaano ng Brgy Poblacion.

Narito ang iba pang nagkamit ng parangal:

Special awards:

  • BEST SPIKER: Maria Palma
  • BEST RECEIVER: RAVEN ROSIMA
  • BEST SERVER: Shindy Mae Dimaano
  • DEFENSE SPECIALIST: Eileen Suarez
  • BEST SETTER: Nonette Rivero
  • BEST BLOCKER: Jessica Hernandez
  • BEST DROPPER: Donnalyn Mijares
  • BEST COACH: Jason Suarez

Mythical Six:

  • Shindy Mae Dimaano
  • Jennifer Corachea
  • Allen Caringal
  • Liezel Real
  • Joan Gertes
  • Eileen Surez

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s