DILG Seal Of Good Financial Housekeeping, Iginawad Sa Pamahalaang Bayan Ng Ibaan

ibaan-mayor-juan-danny-toreja-awarded-seal-of-good-financial-housekeeping-2016-2

December 05, 2016 | Cinderella D. Samson

Muling tumanggap ng Seal of Good Financial Housekeeping mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pamahalaang bayan ng Ibaan sa Batangas Provincial Auditorium, December 2, 2016.

Ang Seal of Good Financial Housekeeping ay bahagi ng Seal of Good Local Governance kung saan ito ay iginagawad sa mga probinsya, siyudad at munisipalidad na nakakapagsakatuparan ng mga  pamantayan.

Narito ang mga pamantayang itinakda ng Department of Interior and Local Government. Ito ay ayon sa DILG Memorandum Circular No.: 2014- 39:

  • 2013 “Unqualified or “Qualified Commission on Audit(COA)  Opinion
  • Compliance with the Full Disclosure Policy of Local budget and Finances Bids and Public Offerings as stated in DILG Memorandum Circular No. 2014-140.
    • Posting in conspicuous places
    • Posting in FDP portal

ibaan-mayor-juan-danny-toreja-awarded-seal-of-good-financial-housekeeping-2016-3ibaan-mayor-juan-danny-toreja-awarded-seal-of-good-financial-housekeeping-2016-4

Unang nagawaran ang bayan ng parangal na ito noong taong 2014 sa pangunguna at pamumuno pa rin ni Mayor Juan ” Danny ” Toreja.

Sinamahan naman ni Ibaan Municipal Local Government Operation Officer Lorna Silva si Mayor Toreja sa pagtanggap ng nasabing parangal.

Ang karangalan ay nakamit sa pagpapamalas ng bayan ng Ibaan ng kahusayan sa pananalapi.

Ang bayan na papasa at magagawaran ng parangal na ito ay tatanggap ng sertipiko ng pagkilala at magkakaroon ng oportunidad  na mapabilang sa mga National Program tulad ng Bottom Up Budgeting (BUB) at Sagana At Ligtas Na Tubig Sa Lahat (SALINTUBIG PROGRAM).

Mayroong labingwalong siyudad at tatlumpong munisipalidad ang nakapasok at pumasa sa Seal of Good Financial Housekeeping sa buong lalwigan ng Batangas kabilang ang bayan ng Ibaan.

Ayon sa alkalde, Mayor Danny Toreja, “Sa pagtutulungan kasama ang lahat ng mga empleyado kaya ho natin nakuha ang parangal na ito.”

“Ang tunay at tapat na paglilingkod ay ipinatutupad sa bayan ng Ibaan.”, ani pa niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s