Krizsa Nicolette Serquina, wagi bilang Miss Bikini World 2016

miss bikini tourism 2016 krizsa nicolette katigbak serquina miss tourism philippines ibaan batangas 8
Miss Bikini World (Miss Tourism Philippines 2016) Krizsa Nicolette Katigbak Serquina.

July 11, 2016 | Mark Lacsamana

Napagwagian ni Krizsa Nicolette Serquina, 24, ng Ibaan, Batangas ang titulong Miss Bikini World 2016 na isa sa mga mahalagang kategorya ng 5th Miss Tourism Philippines 2016 na ginanap noong May 28 sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Ang Miss Tourism Philippines ay taunang ginaganap na may intensyon na maipakita at mai-promote ang turismo, tradisyon, at kultura ng bansa sa pamamagitan ng mga kandidata na siyang magpapakilala ng kanilang mga bayan.

Miss Tourism Philippines 2016 Grand Coronation Night Winners krizsa nicolette serquina ibaan batangas miss bikini world 2016 1
Bb. Krizsa kasama ang iba pang nagwagi sa Miss Tourism Philippines 2016.

Nakatunggali ni Bb. Krizsa ang 45 kandidata mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Bukod sa pagiging Miss Bikini World 2016, nabigyan din si Bb. Krizsa ng iba pang pagkilala ng nasabing kompetisyon tulad ng Best in Swimsuit, Miss Kutis Filipina, at Miss La Virginia Resort.

krizsa nicolitte katigbag serquina miss bikini world miss tourism philippines 2016 life on frame photography mayor danny toreja emily katigbak ibaan batangas 19
Masayang nakikinig si Mayor Danny Toreja sa mga kwento ni Krizsa Nicolette Katigbak Serquina tungkol sa kanyang pagsali sa Miss Tourism Philippines 2016.

Higit sa lahat, si Bb. Krizsa ang kauna-unahang Batanguena na nagmula sa hanay ng mga munisipalidad ng probinsya ng Batangas na nag-uwi ng karangalan mula sa isang national level beauty pageant competition. Nauna nang nagkaroon ang Batangas City at Lipa City sa hanay ng mga syudad mula sa ibang beauty pageant.

Sa karangalang kanyang natanggap, binigyang pagkilala si Bb. Krizsa ng pamahalaang bayan ng Ibaan, Sangguniang Bayan, kasama ang mga empleyado matapos ang flag ceremony sa Medrano Plaza noong July 11.

Kasalukuyang naninirahan sa Saint James Village na sakop ng Brgy. Pangao, nagtapos ng kanyang pag-aaral si Bb. Krizsa sa De La Salle – Lipa (elementarya), Saint James Academy – Ibaan (sekondarya) at sa Emilio Aguinaldo College sa kursong Bachelor of Science in Physical Therapy. Sinundan ito ng kanyang pagpasa sa Board Exam ng nasabing kurso.

miss tourism philippines national costume ibaan festival costume krizsa nicolette katigbak serquina ibaan batangas
Ang Ibaan Festival Costume na gawa ni Joart Anuran ang isinuot ni Bb. Krizsa sa “National Costume Competition” na bahagi ng Miss Tourism Philippines 2016. Ito rin ang nagwagi sa Ibaan Festival Costume Competition na bahagi naman ng Ibaan LesKuHLiemBo Festival na ginanap sa Ibaan, Batangas noong February 11, 2016.

Unang nagtrabaho si Bb. Krizsa bilang Flight Attendant. Hindi nagtagal, sinundan ito ng kanyang pagiging Physical Therapist sa Cardinal Santos Medical Center. Subalit dahil sa pangarap niya na makasali sa mga prestihiyosong beauty pageants na maaring magdala sa kanya sa isang international competition, napilitan siya na mag-resign bilang Physical Therapist upang sumali sa Miss Tourism Philippines 2016.. Ito ay dahil na rin sa hanggang edad 26 lamang ang maaring makasali sa international pageant, at sa kasalukuyan ay nasa edad 24 na siya.

At dahil nasungkita niya ang Miss Bikini World, malaki ang tsansa na mairepresenta niya ang bansa, lalong higit ang bayan ng Ibaan, sa international beauty pageant.

 

(Bb. Krizsa sa Long Gown Competition at Coronation ng Miss Tourism Philippines 2016. Photos by Miss Tourism Philippines.)

Sa ating panayam, lubos siyang nagpasalamat sa mga personalidad na naging bahagi ng kanyang paglalakbay sa Miss Tourism Philippines 2016.

First and foremost, I would like to thank my family, specially my Mom. Sobrang supportive since Day 1 and I’m very lucky to have them. Next is my handler, Mr.Eddie Rosales na kasama ko na since I was 12 years old lalo na kapag may sinasalihan ako na pageants. Siya talaga yung nagturo saken ng mga do’s and don’ts ng mga pageants. And of course, kay Mayor Danny Toreja for supporting and allowing me to represent the Municipality of Ibaan in Miss Tourism Philippines 2016.“, sambit niya.

(Bb. Krizsa sa Swimsuit Competition ng Miss Tourism Philippines 2016. Photo source Miss Tourism Philippines)

Pinasalamatan din ni Bb. Krizsa ang mga tao na nagdisenyo ng Festival Costume na kanyang isinuot sa isang bahagi ng kompetisyon. Sa rekomendasyon ni Mayor Danny Toreja, ang nasabing Festival Costume ang gamitin ni Bb. Krizsa sa “National Costume Competition” ng Miss Tourism Philippines 2016 dahil na rin sa nagwagi ito sa nagdaang Festival Costume competition na bahagi naman ng Ibaan Les KuHLiemBo Festival na ginanap noong February 11, 2015.

“Thanks din kina  Joart Anuran, Cholo Castillo, at Eldy na gumawa ng national costume ko. And most specially kay God. Siya naman ang dahilan ng lahat ng ito. Wala ako dito kung hindi dahil sa kanya”.

Kung meron man na labis ang kagalakan sa tagumpay ni Bb. Krizsa, iyon ay walang iba kundi ang kanyang ina na si Gng. Emilie Katigbak.

Ayon sa kanya, “Simple lang yan. Meron nga mga time na ayaw nya talaga maglagay ng make-up kahit pa hinihingi ng pagkakataon. Protective at mapagmahal na bata. Pati sa mga kapatid, ayaw ng nagme-makeup”.

This slideshow requires JavaScript.

(Krizsa Nicolette Serquina with proud Mom Emilie at Mayor Danny Toreja’s office, July 11. Photos by Life On Frame Photography.)

Ibinuko din ni Gng. Emilie ang paboritong pagkain ng kanyang anak.

Naku, mahilig kumain ng isaw at lomi si Krizsa. Kahit saan, yun ang hanap.”, aniya

 

Si Gng. Emilie ay dating naging Miss Rosario, Miss Lions Club of Manila at nagsilbi ding Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer sa panahon ni Gov. Vilma Santos – Recto.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s