Mga Gumanap Ng Nagdaang Undas, Tumanggap Ng Sertipiko Ng Komendasyon

November 08, 2016 | Cinderella D. Samson

Binigyang papuri ng Punong Bayan, Mayor Juan “Danny” Toreja ang mga Barangay Captains at mga opisyal nito, mga Brgy. Tanod, Empleyado ng Local Government Unit, Ibaan Municipal Police Station, Ibaan Bureau of Fire Protection, mga Traffic Enforcer. Kasama rin ang ilang Non- Government Organizations (NGO) kabilang ang Citizen Crime Watch (CCW) task force, Batangas Varsitarian, Kabalikat Civicom at Tau Gamma Phi na nakipagtulungan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa pagdiriwang ng Undas. Tinanggap nila ang Sertipiko ng Komendasyon sa B.R.Medrano Plaza, Ika- 07 ng Nobyembre, alas otso ng umaga.

Click here for more photos.

Ang mga ito ay gumanap sa kani- kanilang tungkulin na pinangunahan ng Ibaan Municipal Police Station sa pangunguna ni PSI Joel B. Ilagan na siyang nagtalaga sa mga traffic enforcers, barangay officials at police personnel na silang naatasan sa pagsasaayos ng trapiko at pagpapanatili ng pangkalahatang kaayusan ng sementeryo at mga daan.

Ang Local Government Unit sa pagtutulungan ng General Service Office sa pangunguna ni G. Jahmil Acebo, designated Department Head, at Municipal Treasurer’s Office sa pamumuno ni Gng. Dolores P. Guerra na naghanda ng mga pagkain at ilang kagamitang gagamitin ng mga umakto sa nasabing pagdiriwang  at naglagak ng barriers sa magkabilang kalsada ng sementeryo na nagsilbing daanan ng mga tao. Ito ay para siguraduhin ang kaligtasan ng mga ito.

Nakaantabay naman ang Municipal Health Officer, Dra. Agnes P. Chua at kanyang mga kasamahan na handang magbigay ng medical assistance kung kinakailangan. Gayundin, nakaantabay ang mga ambulansya kung sakaling kailanganin.

Ang Ibaan Bureau of Fire Protection, sa pangunguna ni SFO1 Domingo Rubis kasama ang Batangas Varsitarian, Citizen Crime Watch, Guardian, Kabalikat Civicom at Tau Gamma Phi na naatasan sa monitoring ng mga sementeryo at mga daanan papasok at palabas ng bayan ng Ibaan.

Ayon sa alkalde,” Lubos ang aking pasasalamat sa lahat ng mga taong naglagak ng oras at panahon upang mapanatili ang kaayusan sa pagdiriwang na ito, dito sa bayan ng Ibaan.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s