Delnor Agri Foods Inc. Ground Breaking Ceremony, Isinagawa

July 31, 2016

Bilang hudyat ng kanilang opisyal na pagbibigay kontribusyon sa ekonomiya ng bayan ng Ibaan, isinagawa ng Delnor Agri Food Incorporated ang ground breaking ceremony para sa pagtatayuan ng kanilang negosyo na tatawaging IBAAN MEAT CENTRAL sa Brgy. Lapulapu, Ibaan, Batangas, July 30.

delnor agr food corporation ground breaking ceremony brgy lapulapu ibaan batangas mayor danny toreja july 30 2016 57
Ang pamilya na nagmamay-ari ng Delnor Foods Corporation.

Aabot sa halos tatlong ektarya ang sukat na lupain ng lugar na pagtatayuan, ang Ibaan Meat Central ay isang Classified Triple A Slaughterhouse at Meat Processing Facility na magpo-proseso ng karne na may kakayanang magsupply sa mga supermarket at restaurant, ganun din para sa kanilang meat exporting business.

Dumalo bilang panauhing pandangal si Department of Agriculture Assistant Secretary Enrico Garzon at Mayor Danny Toreja.

delnor agr food corporation ground breaking ceremony brgy lapulapu ibaan batangas mayor danny toreja july 30 2016 47
G. Delfin T. Alcoreza, ang Ama ng MeatWorld Internation, Inc. na siya ding nagmamay-ari ng Delnor Agri Foods, Inc.

Para naman kay G. Delfrin T. Alcoreza, ang ama ng MeatWorld Group Of Companies na siyang nagmamay-ari ng Delnor Agri Foods, Inc., ang pagbubukas ng IBAAN MEAT CENTRAL ay katuparan ng kanilang mga pangarap.

Taong 2013 nang unang makipag-usap ang nasabing kumpanya kay Mayor Danny Toreja kung saan nagpahayag sila ng kagustuhan na makapagtayo ng negosyo sa Ibaan. Isa naman sa mga inirekomenda ni Mayor Toreja ang lugar ng Palindan – Salaban 2 na lokasyon dahil na rin sa pagiging malapit nito sa STAR Tollway.

Kasama din sa pag-uusap nila ang kahilingan ni Mayor Toreja na kung maaari ay mga taga-Ibaan ang kukuning empleyado tulad ng mga butchers at empleyado sa opisina

delnor agr food corporation ground breaking ceremony brgy lapulapu ibaan batangas mayor danny toreja july 30 2016 26
Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Danny Toreja sa Delnor Foods Corporation sa pagpili sa bayan ng Ibaan para sa kanilang negosyo.

Ayon pa kay Mayor Toreja, naging matiyaga ang kanyang opisina sa paghihintay para sa pagkakataong ito.

“Ito yung isa sa mga hinihintay natin. Bagamat matagal na silang nagsabi sa atin na magtatayo sila ng negosyo dito sa Ibaan, binigyan natin sila ng sapat na panahon para sa kanilang preparasyon. Hindi natin sila minadali para maisaayos nila ang mga dokumento mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na kanilang kailangan para masimulan ito. At eto na nga. At nagpapasalamat tayo sa Delnor dahil napili nila ang ating bayan”. 

Inaasahan naman na masisimulan ang konstruksyon ng kanilang pasilidad bago matapos ang taong kasalukuyan.

Samantala, dahil na rin umano sa ganda at kaayusan ng bayan ng Ibaan, maaring dalhin na rin nila sa Ibaan ang kanilang central office upang higit na mapagtuunan ng pansin operasyon ang Ibaan Meat Central.

Para sa iba pang balita at kaalaman, maaring bisitahin ang kanilang social media accounts:

Advertisements

One thought on “Delnor Agri Foods Inc. Ground Breaking Ceremony, Isinagawa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s