Lakambini Ng Wika, Tampok Sa Selebrasyon Ng Buwan Ng Wika Ng DJAPMNHS

djapmnhs lakambini ng wika 2016 rica mae perez life on frame photography iba ang ibaan 1
Tinanghal na Lakambini Ng Wika 2016 ng DJAPMNHS si Bb. Rica Mae Perez ng Grade 8.

August 30, 2016 | Lala E. Esmana

May temang “Filipinoo, Wika Ng Karunungan”, ipinagdiwang ng Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School ang Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 30, sa pamamagitan ng isang kompetisyon na may titulong “Lakambini Ng Wika” kung saan ipinakita ang ganda ng Filipina na nagsuot ng mga tradisyunal na kasuotan mula sa iba’t ibang probinsya ng Pilipinas.

Photos by Life On Frame Photography

Nagbigay ng mensahe ang Principal ng eswkwelahan na si Gng. Nenita Adame bilang pasimula ng programa. Sa kanyang mensahe ay hinikayat niya bawat isa na higit pang pagyamanin ang wikang pambansa siya din umanong makatutulong hindi lamang sa indibidwal na pag-unlad kung pati na rin ng buong bansa.

” Malaking bahagi ng ating buhay at mahalagang pagkatao ng isang indibidwal ay wika “, dagdag pa niya.

Binati din at pinasalamatan din ni Gng. Adame ang mga guro sa Filipino na nagtuturo ng pagmamahal sa wika, ang mga magulang na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng paaralan, at mga mag-aaral.

Pinaka-tampok sa pagdiriwang na ito ang timpalak para sa Lakambini ng Wika 2016 na nilahukan ng mga piling mag aaral mula sa ika- pito hanggang ika- sampung grado.

Tinunghayan ang pag-rampa ng labindalawang lakambini na may suot ng iba’t ibang uri ng Filipino costume mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Nagkaroon ng mga katanungan para sa labindalawang kandidata at mula dito ay pumili ng apat na pinakamahusay na sumagot base sa mga katanungang kanilang nabunot.

Nagsilbing hurado sina Gng. Josie Aguila, G. Joey Endaya at Gng. Nanette Manalo.

Nahirang para sa kategorya ng may Natatanging Kasuotan si Bb. Jenny Rose Mendoza mula sa Grade- 9. Palakaibigan naman si Bb. Trisha Mae Magtibay at si Bb. Kristine Villarba para sa Natatanging Bilang, mula pa rin sa Grade 9.

Tinanghal na Lakambini 3rd Runner- up si Bb. Therese Calzo mula sa Grade-10, 2nd Runner si Bb. Kristine Villarba ng Grade- 9, 1st Runner-up naman si Bb. Jenny Rose Mendoza.

Sa huli ay tinanghal na Lakambini Ng Wika si Bb. Rica Mae Perez mula Grade 8.

Naging bahagi din ng palatuntunan ang pagkilala at pag-gawad ng mga sertipiko at medalya sa mga mag aaral na nagwagi sa iba’t ibang timpalak tulad ng Pagsusulat ng Slogan na pinanalunan ni Edelby Saavedra para sa Unang Pwesto mula sa Grade 7 Section Red. Pumangalawa naman si Charisse Ann Umali ng Section Aqua Marine at April Uzyl Dimaano ng Section Violet sa ikatlong pwesto.

Para naman sa Poster Making Content na niahukan mga mag-aaral mula sa Grade- 8, si Fatima Buceta ng Section Milkyway ang nagkamit ng unang pwesto. Sumunod sa kanya si Cyrell Reyes mula sa Section Meteor para sa ikalawang pwesto, at Jiennel Relacion ng Section Saturn para sa ikatlong pwesto.

Samantala, Si Richele Joy Halocon ng Grade 9 Camia ang nagkamit ng Unang Pwesto para sa paligsahan sa Pagsulat Ng Sanaysay, Kelly Dave Gumangan ang pumangalawa at Chezca Garcia para sa ikatong pwesto.

Nagkaroon din ng paligsahan para sa pag-katha ng tula na pinanalunan ni Johnlloyd Segui para sa unang pwesto mula sa Grade 10 Rizal, Rhean De Roma ang ikalawa mula sa Bonifacio at Angelica Patimo naman sa ikatlong pwesto ng Aguinaldo.

Click here for more photos:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s