Bagong Fire Truck, Ipinagkaloob sa Bayan ng Ibaan

Magkasamang tinanggap ni Mayor Danny Toreja at Fire Officer II Rosales ang bagong fire truck sa Camp Vicente Lim, Laguna, December 8.
Magkasamang tinanggap ni Mayor Danny Toreja at Fire Officer II Roy Robles ang bagong fire truck sa Camp Vicente Lim, Laguna, December 8.

December 14, 2015 | Lala Esmana and Avegail Alday

“Ang bagong fire truck ay galing sa Department of Interior sa Local Government sa tulong ng ating Secretary Sarmiento. Sa ngayon ay napakapalad ng Bayan ng Ibaan dahil napakadami pa sa buong pilipinas ang wala pang bagong fire truck. Itong bagong fire truck ay nasa second release na. At hindi mangyayari kung hindi dahil sa ating butihing Mayor Juan “Danny” Toreja na siyang nagemphasize at nagrequest ng bagong fire truck. at sa tulong na din ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Sixto Yabyabin.”

Ito ang nasambit ni Fire Office II Roy Robles, Officer-In-Charge ng Bureau of Fire Protection – Ibaan sa isang panayam hinggil sa bagong fire truck na tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan na ipinagkaloob ng Department of Interior and Local Government, December 14.

Isinagawa ang official turn-over ng mga fire trucks noong December 8 sa Camp Vicente Lim, Laguna kung saan dumalo ang mga Local Chief Excutives ng iba’t ibang bayan upang tanggapin ang kanilang fire truck. Dumating din sa nasabing pagkakataon si Mayor Danny Toreja ng Ibaan, Batangas.

Ayon pa kay FO II Robles, malaking tulong ang pagkakaroon ng bagong fire truck. Bagama’t mayroon ng tatlong fire truck ang Ibaan, karagdagang litro ng tubig ang hatid ng bagong fire truck sa bawat responde na kanilang gagawin.

New Ibaan fire truck mula sa DILG.
New Ibaan fire truck mula sa DILG.

Sa ngayon ay mayroon ng apat (4) na fire truck, dalawa (2) galing sa National kasama na ang bagong bigay na fire truck at dalawa (2) galing sa LGU. Bakit nga ba enemphasize at talagang tinarabaho ng ating Mayor na magkaroon pa ng bagong fire truck samantalang mayroon namang tatlo(3)? Ang sunog po kasi sa loob ng 10 minuto ay kaya niyang apulahin ang sunog ng isang bungalow type na building.  Ang fire truck po ay kayang maglabas ng tubig sa pinakamalakas na pressure sa loob ng 7 minuto.  Pagnaubos na ang tubig ay babalik na po ulit sa hydrant para magkarga.  At pag nauubusan na ng tubig tuloy- tuloy pa rin ang sunog kaya nagdagdag ng bagong fire truck upang ito ay katu-katulong sa pag-aapula ng sunog para apat(4) agad ang magreresponde. At sa ngayon po ay may bago tayong hydrant sa may Recto Gym isa din po yan sa nirequest nila sa LGU  at sa kabutihang pald naman po ay napagbigyan tayo ng ating butihing Mayor.

Fire Officer I Dindo Sarmiento habang ipinakikita ang pag-ooperate ng bagong fire truck.
Fire Officer I Dindo Sarmiento habang ipinakikita ang pag-ooperate ng bagong fire truck.

Ang capacity ng bagong fire truck ay katulad ng dating fire truck na nagkakarga ng 1,000 galoons. Sa 1,000 galoons kung hahatiin ito sa quarter ang 1/4 na laman ng fire truck ay kayang maglabas ng tubig sa loob ng 4 na minuto kaya napakabilis ng labas ng tubig ng fire truck kaya sila ay humihingi pa lalo ng suporta sa ibang bayan.

Naitalaga naman bilang fire truck drivers sina Fire Officer II Edison Reyes at Fire Officer I Sarmiento.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsasanay na ginagawa ng kanilang opisina upang makabisado ang paggamit ng nasabing bagong fire truck.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s