Bagong Barangay Poblacion Multi- Purpose Hall, Pinasinayaan

 

ibaan-poblacion-new-barangay-hall-blessing-and-inauguration-chairman-ariel-soriano-mayor-danny-toreja-10
Poblacion new multi-purpose hall (Photo by Aron Paul Minas).

October 28, 2016 | Lala E. Esmana

Matapos ang mahabang panahon, nabigyang katuparan na ang pangarap ng mamamayan ng Brgy. Poblacion ng bayan ng Ibaan na magkaroon ng sariling Multi Purpose Hall na magsisilbi na rin nitong opisyal na Barangay Hall.

Sa pangunguna ni Brgy. Chairman Ariel Soriano, kasama ang iba pang opisyal ng barangay, at Pamahaaang Bayan ng Ibaan, opisyal nang pinasinayaan at binasbasan ang kanilang Multi-Purpose Hall sa pamamagitan ni Rev. Fr. Randy Marquez Jr., OSJ noong October 28 ng taong kasalukuyan.

Click here for more photos.

Dumalo sa pasinaya ang Punong Bayan Mayor Juan “Danny” Toreja, Kon. Paul John Chua, Kon. Jullius Panaligan, Kon. Turing Maputi, Kon. Matti Guerra, at Kon. Cesar Marasigan.

Dumalo din sa pasinaya ang bagong halal na Bokal sa ika- apat na distrito, Jaypee Gozos at mga naging kandidatong sina Dondon Portugal at Dong Mendoza. Nakiisa din ang dating alkalde Boy Chua at mga Kapitan ng Barangay sa bayan ng Ibaan.

(Photos by Aron Paul Minas)

Ang nasabing Multi- Purpose Hall ay sinimulang itayo noong Oktubre 2015 at natapos nitong Setyembre, taong kasalukuyan. Umabot sa halagang pitong milyon at pitong daang piso ( 7,700,000.00 ) ang halagang nagastos upang maitayo ito.

Nauna nang naglaan ng halagang apat na milyong piso (4,000,000.00) ang munisipyo ng Ibaan, sinundan ng dalawang milyong piso (2,000,000.00) mula sa dating Congressman Dong Mendoza, isang milyon at limang daang piso naman ang nagmula sa dating Gobernadora Vilma Santos Recto at dalawang daang piso naman mula sa pondo ng Barangay.

Ang dalawang palapag na gusali ay binubuo ng walong opisina kabilang ang opisina ng Pangulo, session hall, Violence Against Women at Barangay Tanod, Barangay Health Workers, Day Care Center, dalawang dining area at pitong comfort room na nasa itaas at ibaba.

Inilipat naman ang mga kagamitan mula sa dating opisina papunta sa bagong gusali noong Oktubre 8 at pormal ng binuksan para sa mga mamamayan noong October 10, 2016.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s