3 Inhinyero Ng Association Of Structural Engineers Of The Phils., Bumisita Sa Ibaan

April 07, 2017 | Lala E. Esmana

Bunsod sa naranasang lindol na yumanig sa iba’t ibang bahagi ng Probinsya ng Batangas noong Abril 04, Martes ng gabi, nagsagawa ng inspeksyon at pagbista ang tatlong Inhinyero ng Association of Structural Engineers of the Philippines o ASEP mula sa Lungsod ng Maynila noong Abril 06, sa bayan ng Ibaan.


 Nagpaunlak sa panawagan ng Punong Bayan Juan ” Danny ” V. Toreja ang tatlong Inhinyero na sina ASEP Past Pres. Engr. Wilfredo S. Lopez, Engr. Juanito Cunanan ASEP Secretary at Region IV- A at IV- B Coordinator Engr. Manuel S. Aclan para siguraduhin ang kaligtasan ng mga mamamayan sa bayan ng Ibaan sa pamamagitan ng pagbisita at pag inspeksyon sa mga paaralan, gusali, tulay at simbahan na nasasakupan ng bayang ito.

Batay sa ulat ng tanggapan ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management Council (MDRRMC) may mga pinsala na nakita sa mga paaralan ng DJAPMNHS, Mabalor- Catandala Elem. School at Ibaan Central School. Ito ay agad na pinuntahan at binisita ng mga Inhinyero kasama sina Municipal Administrator Atty. Triven Castillo, MPDC Officer Mario Samson, Engineering Officer Lalen Salagubang at MDRRMC Officer Gng. May Bagui at staff Annalisa Macatangay.

Bagama’t may mga nakitang gitak sa ilang bahagi ng mga silid aralan, wala naman umanong dapat ikabahala ang pamunuan at mga mag aaral sapagka’t ito ay mga minor damages lamang at hindi magdudulot ng pag guho ng gusali.

Nagsagawa din ng inspeksyon sa mga tulay tulad ng Sabang, Palindan at Lapu- lapu at sa parehong assessment ay wala ding nakitang pinsala dito.

Kabilang din sa binisita ang simbahan ng St. James The Greater at duon ay nakita ang basag na bubog ng imahe ni Joseph Marello na nasa bandang itaas sa harap ng istraktura ng simbahan. Dahil dito, pinayuhan ang pamunuan ng simbahan na alisin na lamang ito sapagka’t anumang sandali ay maaari itong bumagsak at makasakit sa mga dumadaan.

Patuloy pang magsasagawa ng pagbisita at inspeksyon sa iba pang natitirang lugar ang Lokal na Pamahalaan ng Ibaan.

Sa kabuuan, wala umanong dapat ikabahala ang mga mamamayan sa bayang ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s