5 Makinarya sa pagsasaka, tinanggap ng Ibaan

Isa sa mga hand tractor na tinanggap ng Munisipalidad ng Ibaan.

Tumanggap ang Pamahalaan ng Ibaan ng limang (5) makinarya sa pagsasaka mula sa Kapitolyo ng Batangas sa pamamagitan ni Sen. Ralph Recto at Gov. Vilma Santos-Recto. Kinabibilangan ito ng dalawang (2) hand tractor, dalawang (2) rice harvester/reaper, at isang (1) mobile flash dryer.

Bilang bahagi ng HEARTS Program ni Gov. Santos-Recto, ang nasabing makinarya ay ipanamahagi sa iba’t ibang munisipalidad upang mai-modernize ang proseso ng mga produktong agrikultural sa buong probinsya.Kabilang na ang Ibaan kung saan malaking bahagi pa rin ng lupain dito ay ginagamit sa pagsasaka.

Ang mga rice harvester/reaper na magagamit sa pag-aani ng mga palay.

Ayon naman kay Mayor Danny Toreja, ang mga makinarya ay malaking tulong upang mas mapabilis ang mga gawaing bukid ng mga magsasaka. Batid aniya ang malaking hirap na dinadanas ng mga magsasaka sa Ibaan kung kaya’t sisiguraduhin ng lokal na pamahalaan na magamit at mapakinabangan ang mga ito ng mga magsasaka.

Sinigundahan naman ito ni Municipal Agriculture Officer Ethel Joy Caiga. Ayon sa kanya, karamihan sa mga palayan sa Ibaan ay mga tubigan. Hindi naman umano intensyon ng ganitong mga makinarya na maisantabi ang tradisyunal na paggamit ng mga araro at kalabaw. Ganun pa man, isa umano itong alternatibong paraan upang mas maging produktibo ang agrikultura sa Ibaan.

Ang mobile flash dryer para sa mas mabilis na pagpapatuyo ng palay.

“Ang maganda dito sa mga hand tractor na ito, bukod sa gamit ito sa pagsasaka at sa pagbubungkal ng lupa, maari rin itong gamiting generator ng kuryente. Maari din natin itong ipagamit sa mga komunidad bilang suporta sa kanilang mga okasyon na mangangailangan ng kuryente”, ani Mayor Toreja.

Ang rice harvester/reaper naman ay isang uri ng makina na maaring gamitin sa pag-aani ng palay. Makakabawas naman ito sa gastusin ng may pa-ani dahil na rin sa kaunting bilang na lang kanyang kakailanganin sa pagpapa-ani ng kanyang palay. Ganun din, mas mapapabilis ito.

Kasama ang ilang kawani, kinuha at tinanggap ni Mun. Admin. Rico Caringal ang mga makinarya mula sa Provincial Agriculture Office, August 10.

Samantala, ang mobile flash dryer naman ay magagamit sa mas mabilis na pagpapatuyo ng mga inaning palay.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa ng Municipal Agriculture Office ang mga itatakdang proseso kung paano ito ipapagamit sa mga magsasaka. Intensyon nito na maging accessible ang mga nasabing makina sa mga nangangailangan sa patas na paraan. At lalong higit, kasama na rin dito ang mga polisiya kung paano mapapangalagaan ang mga ito upang magamit ng nakararami sa mas mahaba at matagal na panahon.

 

 

 

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

One thought on “5 Makinarya sa pagsasaka, tinanggap ng Ibaan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s