Leskuhliembo Festival, Umarangkada

 

 

DSC_0042

February 17, 2016 | Lala Esmana

Umarangkada ang Leskuhliembo Festival sa mismong araw ng pagdiriwang ng ika- 184 na pagkatatag ng bayan ng Ibaan, Pebrero 11, 2016.

Ang salitang Leskuhliembo ay galing sa mga salitang tamales, kulambo, habi, liempo at tubo kung saan ang bayan ng Ibaan ay kilala sa mga produktong ito. Pinangunahan ng ama ng bayan ng Ibaan na si Mayor Juan ” Danny ” Toreja, kasama ang mga empleyado ng Pamahalaang Lokal sa bayang ito upang maging matagumpay ang pagdiriwang.

Nagsimula ang pagdiriwang sa isang mapagpalang misa, alas- sais ng umaga. Sinindihan ang tanglaw na isinagawa ng punong bayan at bilang pasimula na rin ng pag- iihaw ng liempo na itinayo sa tabing bahagi ng kalye.

Sinundan ng parada ng lahat ng empleyado ng munisipyo, Sangguniang Bayan members , kasama ang mga guro ng Ibaan.

Tampok din sa parada ang dalawampu’t apat na barangay sa bayan ng Ibaan na binuo sa anim na klaster kasama ang mga kabataan na nagsagawa ng street dancing na may makukulay na kasuotan na hango sa tema ng pagdiriwang.

Rumampa naman ang walong kandidata para sa Festival of Costume Contest na ang suot ay may mga disenyo mula sa tamales, kulambo, habi, liempo at tubo.

Napuno ng saya at ngiti ang buong kabayanan lalo na ng masaksihan ang inihandang sayaw ng anim na klaster ng mga barangay pati na rin ng mga modelo sa Festival of Costume. Nagwagi sa sayaw ang ika- anim na klaster na binuo ng Barangay Bago, Bungahan, Sabang, Quilo at Coliat. Si Jhay Cholo Castillo naman ang tinanghal na may pinaka magandang disenyo ng kasuotan.

DSC_0228Pagkatapos mabusog ang mga mata sa makulay na parada ay binusog naman ng masarap na inihaw na liempo na siyang naging bida sa boodlefight lunch na pinagsaluhan ng lahat ng mga nakisaya sa pagdiriwang.

12697389_1018432898197926_3533723069724469009_o

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s