Mga Batang Ibaan Ng Gymnastics At Arnis, Wagi Sa Milo Little Olympics

September 01, 2016 | Lala E. Esmana at Cinderella D. Samson

Nagwagi ang mga batang mag aaral ng Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School sa Milo Little Olympics 2016 na ginanap noong August 26- 28 sa Abad Santos, Marikina City.

Ang Milo Little Olympics ay isang Regional Competition kung saan ang mga bata na dalubhasa sa gymnastics ar arnis mula sa DJAPMNHS ay nakilahok.

Nanguna sa pagbibigay ng karangalan sa bayan ng Ibaan si Jabez Ane Danielle Sastrillo na nakasungkit ng apat na medalya. Kabilang dito ang tatlong gintong medalya na kanyang napagwagian sa Individual All Around Exercise, Floor Exercise, at Balance Beam Exercise. Nakuha naman niya ang Silver Medal sa Vault Exercise.

Dahil sa mga nakuhang tagumpay, tinanghal siya bilang Over-all Champion para sa kategorya ng Gymnastics.

Hindi naman nagpahuli ang Ibaan Arnisador na binubuo nina Kimberly D. Ilao, Ma. Paula A. De Chavez, at Charmi Mae M. Merene.

Si Kimberly D. Ilao ay nagkamit ng bronze medal sa Individual Solo Baston at silver medal naman sa Team Synchronize Double Baston. Si Ma. Paula A. De Chavez ay nagkamit ng silver medal sa Team Synchronize Double Baston at gold medal sa Arnis Duelo. Si Charmi Mae M. Merene naman ay nakasungkit ng tatlong medalya -bronze medal sa Individual Espada Y Daga, silver medal sa Team Synchronize Double Baston at gold medal sa Arnis Duelo.

Naging tagapagsanay ang mag asawang guro na sina G. Joel Sastrillo at Gng. Ma. Cecilia Sastrillo  sa gymnastics habang sina G. Danny Magtaas at G. Ronnel Escalera naman ang naging tagapagsanay sa larangan ng arnis.

Nagpaabot na rin ng paanyaya si Coach Joel Sastrillo sa mga kabataan nagnanais na sumailalim sa pagsasanay para sa gymnastics. Maaring matungo ang kabataan tuwing araw ng Sabado sa Recto Gym, alas-dos hanggang alas-kuwatro ng hapon.

Ayon sa kanila, naging lubhang kahanga- hanga ang ipinamalas na galing at talino ng mga bata sa kanilang paglaban sa nasabing. Bagama’t naging maikli lamang ang panahon ng kanilang preparasyon, napagtagumpayan pa rin ng mga manlalaro ang kanilang mga kategorya na nilabanan.

Nagkaisa naman ang opinyon nina Mayor Danny Toreja at G. Noriel Aguila hinggi sa tangumpay na nakamit ng mga bata.

“Ito na yung bunga ng libreng pagsasanay na ating isinasagawa tuwing weekends sa Recto Gym. Sa tulong din yan ng ating mga Coaches na nagbibigay ng kanilang galing at oras para mahasa ang mga bata. Taas-kamay ako sa kanila sa paghanga sa kanilang dedikasyon para mabigyan ng tamang pagsasanay yung mga atleta natin na lumaban sa Milo Little Olympics. Kay Sir Joel, Sir Danny, at Sir Ronnel. Sobrang proud ako sa kanila. Lalo na yung mga bata na talagang inilagay ang bayan ng Ibaan sa mapa ng gymnastics at arnis. Sa mga karangalang ito, lalo tayong naging motivated na higit pang suportahan ang ating programang ginagawa para sa mga kabataan”, ani Mayor Toreja.

Para naman kay G. Noriel Aguila na siyang namumuno sa Ibaan Sports Development Council, malaking bagay umano ang pagkakatatag ng huli.

“Yung Sports Development Council kasi ang naging tulay para magkaroon ng mga libreng pagsasanay. Utang din natin ang tagumpay na ito ng mga bata sa kanilang mga coach at trainors. Sa mga magulang naman, maraming salamat sa kanilang pagtitiwala sa programang ito”, aniya.

“Patuloy pa rin ang ating paanyaya sa mga kabataan na nagnanais na sumailalim sa pagsasanay sa iba’t ibang sports. Pumunta lamang sila tuwing araw ng Sabado sa Recto Gym para makausap nila ang ating mga coaches at para mapabilang sila sa mga batang nagsasanay.”, pagtatapos ni Mayor Toreja.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s