Ibaan LGU, Nakiisa sa Simultaneous Earthquake Drill

September 28, 2016 | Lala E. Esmana

Bilang bahagi pa rin ng paghahanda para sa tinatawag na “The Big One”, nakiisa ang pamahalaang bayan ng Ibaan  sa isinagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), September 28, 2016, alas nuwebe ng umaga.

See more photos here.

Ang lindol ay isang sakuna  na nagdudulot ng pinsala at pagkamatay ng maraming tao. Hindi ito batid kung saan at kailan ito maaring mangyari sa sino man. Gayunpaman, maaaring protektahan ng isang tao ang kaniyang sarili sa pagiging handa. Dahilan upang isagawa ang earthquake drill sa buong bansa bilang paghahanda sa tinatawag na “The Big One”.

Batay sa Memorandum Circular 2016- 83 ng Department of Interior And Local Government (DILG) alinsunod sa Republic Act 10121 The Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act, pinangunahan ni Mayor Danny ang dalawang daan at pitong opisyales at empleyado ng munisipyo at Sangguniang Bayan sa isinagawang Earthquake Drill na pinangunahan naman ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Nagbigay din ng kanilang partisipasyon sina Kon. Paul John Chua, Kon. Mateo Guerra, Kon. Julius Panaligan, Kon. Cesar Marasigan, at ABC President Armando Gutierres.

Nakaantabay naman at nagbigay din ng akmang suporta ang Municipal Risk Reduction Management Office, Municipal Health Office at Ibaan MPS.

Nakiisa din ang kalapit na eskwelahan ng St. James Academy na binubuo ng isang libo’t tatlong daan at labinlimang guro at mga mag aaral dito.

Hindi pinahintulutan magkaroon ng anumang ingay mula sa mga sasakyan sa pagsasagawa ng eartquake drill sa lugar na nasasakupan.

Isang malakas na tunog ng sirena mula sa firetruck ng BFP ang narinig bilang pasimula ng drill eksaktong alas nuwebe ng umaga. Ito ang nagsilbing hudyat upang lisanin ng mga empleyado at mga mag aaral ang gusali na kanilang kinaroroonan. Kinakailangang gawing  mabilis at ligtas na  lisanin ang nasabing mga gusali.

Kasunod nito, ay ipinakita kung paano maayos na iligtas ang isang biktima at naapektuhan ng lindol. Binigyan ng first aid ang biktima at dinala sa isang ligtas  na lugar upang mabigyan pa nang mas maayos na medical assistance na  ginampanan naman ng mga tauhan ng BFP sa pangunguna ni SFO1 G. Domingo Rubis, Municipal Health Officer Dr. Agnes M. Chua at MDRRMC Officer Gng. May Bagui.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s