Mensahe Mula Sa Dalawang Magulang Ng OB Montessori Students

Isa sa mga magulang, Mrs. Chona Mercado.
Isa sa mga magulang, Mrs. Chona Mercado.

Mrs. Chona Mercado:

“Sa mga minamahal naming mga guro, sa aming mga kagalang galang na panauhing pandangal sina mayor Danny toreja, kay Konsehal Paul John Chua, Bgy. Captain Marsevic Mendoza, Ms. Irene Torres, at ang mga ka-miyembro nito, sa mga mgulang na patuloy na gumagabay sa mga bata na nandirito, at higit sa lahat,  ang dahilan kung bakit natin pinagdiriwang ang npakahalagang araw ng pagssumikap ng 46 Na mag aaral ng O.B Montesorri Ibaan, malugod ko po kayong binabati ng isang magandang buhay.

Hindi po ba mga ka-parents na ang araw na ito ay massabi nating parte ng ating magandang buhay? Tingin nyo po? Dahil ang pagod at puyat para mapag-aral natin ang ating mga anak ay isa sa tagumpay ng ating buhay.. Isang accomplishment na habang buhay nating ipapamana sa kanila at hindi mananakaw ng iba.

Noong unang beses na malaman ko na bawat representative ng kada section ay magbbigay ng speech, naisip ko na lang,  “Ano nman ang sasabhin ko, at bakit ako sa dinami dami ng mga magulang, bakit ako pa?”. Di ba yan ang unang papasok sa isipan natin? Dahil kinalakihan na nating mga Pilipino ang paigging mahiyain at kakulangan ng kompiyansa sa sarili.

Hindi tayo matututo kung hindi natin susubukan, at ang pagtatanong ay hindi dapat ikahiya dahil dun tayo kumukuha ng impormasyon na magiging sandata para sa ating tagumpay.

Nagkamali pala ako. Dahil noong sinimulan ko ang pag-gawa ng speech na ito ay kailangan ko pang iksian ang bawat paragraph. Npakadami ko palang pwedeng sabihin at ishare kung ano ang naitulong ng eskwelahan na ito sa aking anak at sa iba pang mag aaral ng OB Montesorri.

Ako, sa ngalan ng mga mgulang ng mga batang nandirito, ay lubos na nagpapasalamat sa magagaling at naging pangalawang magulang ng aming mga anak,sa pag didisiplina at pag gabay sa mga aralin. Iyan po walang iba kundi sina Teacher Roan at Teacher Irene. Maraming salamat po ulit sa inyo sa halos isang taon na pag uunawa sa mga bata. At higit sa lahat, sa mga mgulang.

Saludo ako sa mga nagpatupad ng Curriculum ng paaralang ito dahil nakkita ko mismo sa aking anak na sya ay mabilis matuto. At masasabi kong mas higit pa ang kanyang kaalaman kung ihahantulad nio sa ibang baitang ng ibang paaralan. Kaya hindi ako nagsisisi na dito s OB Montessori ko siya pinapasok. At nakakatuwa na dito rin mismo sa eskwelahang O.B Montesorri nagsimula ang kanyang pangarap na maging isang doktor balang araw.

Napaka-swerte po ng aking anak dahil kung hindi sa tulong ng kaniyang mga guro ay hindi niya makakamtan ang pagkakaroon ng award bilang First Honor ng Junior Casa. Hindi ko po inasahan na ang aking anak pala ay may itinatago ding kakayahan. Kaya po sa tulong ng aking mga mahal na mga mgulang ay pinag-pursigi po nmen ang kanyang pag aaral mula 1st grading hanggang sa mtapos ang kanilang klase.

Meron din po akong natutunan mula sa aking anak sa tuwing nirreview ko sya bago mag exam. Yun po ay ang pagkakarroon ng disiplina sa sarili at pagkakaroon ng pangarap sa buhay.

Sa pagtatapos ng speech kong ito ay isa lang ang ma-icocomment ko,..sulit na sulit ang tuition!

Muli ako po ay nagpapasalamat sa inyong lahat..! Mabuhay po kayo.”

Mrs. De Castro:

“Magandang araw po sa ating kagalalng-galang na Punong Bayan, Mayor Juan Danny v. Toreja. Pangalawang Punong Bayan, Vice Mayor Sixto Yabyabin. At sa ating mga konsehal at sa nag-iisang konsehala ng ating bayan. Sa head ng MSWD, Mam’am irene R. Torres. Sa mga kapwa ko magulang, at sa mga batang magsisipagtapos sa araw na ito.

Ang araw na ito ay isa sa pinamakahalagang kaganapan at bahagi ng buhat ng bawat isa sa mga mumuinting anghel na narito ngayon sa bulwagan na kapiling ng mga kapwa ko magulang.

Paranga kailan lang, naramdaman ko ang kaunting kaba sa aking anak. Dahil sa aking pangamba na hindi siya magiging masaya sa unang yugto ng kanyang edukasyon.

Bilang isang ina, kilala ko siya na hind mahilig makihalubilo sa ibang bata. Ngunit ang lahat ng ito ay napawi nang lumoipang kanyang mga araw dito sa OB Montessori sa tulong ng mga taga-gabay na sina Bb. Roanne Asi at Bb. Irene Vergara. Unti-unti, nabuo ang kanyang simpleng buhay. Humilig siya sa pag-aara’ Mabilis niyang naisagawa ang kanyang mga aralin. Ito ay dahil sa sipag at tiyaga ng kanyang mga butihing guro.

Mula sa simpleng laro, ang pag-guhit sa linya at nahulma ng kanyang mga kamay. Ganun din ang pagsasayaw ng kanyang mga paa, pagbilang, at pagbasa na mabnigkas sa kanyang mga labi. Hindi ko akalain na sa programa ng ating lokal ng pamahalaan ay makakamit ang tunay na mataas o dekalidad na pundasyon ng unang edukasyon.

Alam kong hindi lamang ang mga batang narito ngayon ang nabago, kundi pati tayong mga magulang. At masasabi kong ang magandang edukasyon ay hindi sa halaga ng matrikula nakukuha. Isang patunay ang OB Montessori na humulma sa isang murang isipan.

Kaya salamat po sa lahat ng mga taong bumuo upang magkaroon ng ganitong paaralan, ang OB Montessori.

Sa lahat ng mga nariritong panauhin, taas noo po ako sa inyo. Kaisa ang mga magulang na narito, maipagmamalaki ko ang mga batang nagsipagtapos sa OP Montessori ay isang batang panalo, isang batang bibo, at buo ang pagkatao, lalong higit, may mabuting asal.

Kaya sa kanilang guro, Bb. Roznne, ang kanilang pagtatapos ay hindi isang pamamaalam kundi manapa’y isang bagong umpisa ng yugto ng kanilang buhay.

Maraming salamat po at isang magandang buhay po sa inyong lahat!”

More photos.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s