November 8, 2014
Bago pa man matapos ang taon, nagbukas ang liga ng basketball sa Brgy. Bago, Ibaan, Batangas noong ika-8 ng Nobyembre.
Hinati sa apat na dibisyon ang liga na kinabibilangan ng Senior, Junior at Midget. Isa pang dibisyon ang kanilang inilaan para sa mga establisyamento sa bayan ng Ibaan, ang Commercial Division.
Nakaakit naman ng halos 30 koponan para sa apat na dibisyon ang liga. Tuwing Miyerkules hanggang Linggo naman ang inilaan para sa araw ng laro.
Naging panauhin naman sina Mayor Danny Toreja, Vice Mayor Sixto Yabyabin, Kon. Venus De Castro, at Kon. Rodel De Castro. Dumalo din si Taysan Mayor Portugal.
Malugo naman tinaggap ni Brgy. Bago Barangay Chairman Armando Gutierrez ang lahat. Si Janno Guico naman ang tumayong tagapagpakilala ng programa.
Tinataya na aabot hanggang Disyembre ang nasabing liga.