4 na araw na seminar para sa magsasaka, isinagawa

Isa sa mga magsasaka na partisipante ng programa.

Upang mabigyan ng mas komprehensibo at kapaki-pakinabang na kaalaman sa pagsasaka, opisyal na sinimulan sa Recto Gym ang apat (4) na araw na seminar na dinaluhan ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang barangay ng Ibaan ngayong araw na ito, Biyernes, August 12.

Halaw sa tema na pinamagatang “Assistance Project To Small Scale Farmers Through Cash For Training and Cash For Work”, ang seminar ay kinonsepto ng nasyunal na pamahalaan na ipinapatupad naman ng Department of Welfare Development (DSWD).

Sa pagpupursige nina Ibaan Municipal Agriculture Officer Ethel Joy A. Caiga at Municipal Social Welfare Development Officer Irene Torres, layunin nito na sa halip na direktang bigyan ng tulong pinansyal ang mga magsasaka, kinakailangan muna nilang malaman ang mga paraan ng epektibong pagsasaka sa pamamagitan ng pagdalo sa nasabing seminar.

"Hangad ko po na sa pamamagitan ng proyektong ito at mapasimulan ang pag-unlad ng agrikultura dito sa ating bayan" - Mayor Danny Toreja

Sa konsepto ng programa, ang mga magsasaka ay kinakailangang matapos ang 4 na araw na seminar. Pagkatapos nito, magbabalik naman sila sa kanilang barangay kung saan sa loob naman ng pitong (7) araw, isasagawa nila ang alimang natutunan mula sa seminar. At sa bawat araw, tatanggap sila ng P312.00/araw. Ang pananalaping ito, nagkakahalaga ng P679,563.00, ay magmumula naman sa nasyunal na pamahalaan.

Ang proyektong ito naman ay taos pusong sinusuportahan ng Punong Bayan ng Ibaan na si Mayor Danny Toreja, kasama si Vice Mayor Sixto Yabyabin. At ito ay masasalamin sa talumpati ng Punong Bayan.

Halaw Sa Talumpati Ni Mayor Danny Toreja

Itong proyekto pong ito na handog natin sa ating mga lokal na magsasaka dito sa ating bayan ay pinagtulung-tulungang maisakatuparan sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng pagkakaloob sa atin ng pondo para sa mga magsasaka, at ang ating lokal na pamahalaan mula sa Departamento ng Pansakahan at MSWD. Binqabati ko po si Ms. Ethel Joy Caiga from Agriculture at si Ms. Irene Torres ng Ating MSWD na siyang nanguna para po maging feasible ang ating programa ngayong araw.

Ang mga magsasaka ng Ibaan na umaasa ng mas mataas na kalidad ng kanilang pagsasaka at antas ng produksyong ng pagkain.

This project tagged as Cash for Work and Cash for Training is a short term, intervention to help our farmers and their families to cope with the effects of increasing prices of market commodities especially during lean months. Its objective is to generate short term employment to small-scale farmers and to enhance their skills on food production.

This is an 11-day project. Binubuo ng 4 na araw na training tungkol sa Family Disaster Preparedness and Mitigation, Vegetable Farming, Vermicomposting, Establishment of Plant Nursery and Basic Livestock Raising. At ang 7-day Cash for Work ay ay pagbubuo ng communal gardens and plant nursery sa ating mga bara-barangay, simultaneously performing farming activities toward the establishment of strategically located vegetable gardens and plant nursery.

Ipinaliwanag din ni Vice Mayor Sixto Yabyabin ang iba pang programa ng pamahalaan ng Ibaan na naglalayong maghatid ng serbisyo sa mga mamamayan, lalong higit sa mga magsasaka.

Ang assistance po na cash ay ibibigay pagkatapos ng training at work activities, para naman po makatulong sa inyo at maging pasimula sa pagkakaroon ng mas malaking pagkakakitaan.

Hangad ko po na sa pamamagitan ng proyektong ito ay mapasimulan ang pag-unlad ng sangay ng agrikultura dito sa ating bayan. Na sa maliit na simulang ito, ay makita natin ang magandang potensyal ng ating bayan. At gaya nga po ng aking hangad ay malaong maisakatuparan natin ang pagpapaunlad sa pangangalakal ng mga produktong pang-agrikultura dito sa ating bayan.

Isang maliit na hakbang, isang magandang pagsisimula, gawin nating malaking oportunidad para sa ating pag-unlad. Isang Tunay at Tapat na Paglilingkod ang lagi naming Handog sa Inyo. Marami pong Salamat. At muli Magandang Umaga po!

Ibaan Municipal Agriculture Office Ethel Joy Caiga habang ipinapaliwanag ang magiging kabuuan ng programa.

Partisipante at Benepisaryo

Ang mga partisipante o benepisaryo ng programa ay napili mula sa isang survey na isinagawa na National Household Targeting for Poverty Reduction na isinagawa ng DSWD noong 2010.

Matapos ang pagsusuri ng mga datus na nakalap, 198 na partisipante o benepisaryo ang napili mula sa 13 sa kabuuang 26 barangays.

Nakasentro ang programang ito para sa pagpapalakas ng kakayanan ng magsasaka sa pagbubuo at pagkakaroon ng Organic Vegetable Production at pagkakaroon ng plant nursery sa nasasakupan ng bayan.

Layunin

Pangunahin sa layunin nito ang mabigyan ng hanap-buhay ang mga maliliit na magsasaka sa panahon ng tag-gipit. Ito ay kalimitan tuwing sa panahon ng tag-init o mahabang tag-ulan habang hinihintay ang tamang panahon ng pag-aani ng mga naunang tinanim, tulad ng palay at mais.

Pangalawa naman sa layunin nito ang mas mahasa ang kakayahan ng mga magsasaka para sa mas mataas o sustenableng produksyon ng pagkain.

Municipal Social Welfare Development Officer Irene Torres (gitna) habang ipinapaalala sa mga partisipante ang mga alituntunin ng programa.

Implementasyon

Lokal na pamahalaan ang inatasan na magpatupad ng nasabing programa sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare Development Officer at Municipal Agriculture Officer. At upang masigurado ang patuloy na partisipasyon ng mga benepisaryo, magkakaroon ng isang official log book na magsisilbing record ng kanilang pagtalima sa mga itinakda ng programa.

Ang seminar o pagsasanaysa loob ng 4 na araw ay gaganapin sa Recto Gym kung saan nakapaloob dito ang mga pagsasanay na may direktang kinalaman sa Family Disaster Preparedness And Mitigation, Vegetable Farming, Vermicomposting, Establishment of Plant Nursery at Basic Livestock Raising.

Ang 7 araw naman na tinatawag na cash for work ay kinapapalooban naman ng serbisyo para sa komunidad sa pamamagitan ng paggagawa o pagkakaroon ng communal garden at plant nursery. Maaring itanim dito ang iba’t ibang uri ng gulay tulad ng pechay, mustard, tomato, eggplant, pole sitao, hot pepper, lettuce, at iba pa. Ang plant nursery naman ang tututok para sa pagpaparami ng mga puno sa kagubatan at puno na nagbubunga ng prutas.

Ang unang tagapag-salita tungkol sa makabagong kaalaman sa paghahalaman mula saAllied Botannicals.

Ang cash assistance ay matatanggap ng mga benepisaryo pagkatapos ng training at ng serbisyo publiko na dapat maisakatuparan ng mga benepisaryo.

Partisipasyon Ng Lokal Na Pamahalaan

Bilang partisipasyon naman ng lokal na pamahalaan ng Ibaan, inilaan ang halagang P14,525.00 sa siyang sasagot para sa mga gastusin para sa vegetable seeds (P3,625), seedling trays, (P1,500) seedling medium (P650), organic fertilizer (1,500), mahogany and narra seeds (P500), black plastic bag, (P2,000) garden soil (P2,000), insecticides/foliar fertilizer (P750) at venue (P2,000) or lugar para sa pagdadausan ng mga pagsasanay.

Schedule Ng Seminar

Sa loob ng apat (4) na araw, ang sumusunod ang talaan ng mga seminar o training na gaganapin para sa pagsasanay ng mga magsasaka.

August 12: Makabagong Kaalaman Sa Paghahalaman, tagapag-salita mula sa Allied Botanicals.

August 15:

A.M.

ARTIFICIAL INSEMINATION: The Key To Profitability, tagapag-salita mula sa Europhil Swine Genetics

P.M.

VERMICOMPOSTING: tagapag-salita mula sa KAHARIAM.

August 16

A.M.

PIGLET COURING, tagapag-salita mula sa Pfizer.

P.M.

CLIMATE CHANGE AND DISASTER MANAGEMENT, tagapag-salita mula PACD.

August 17

NURSERY ESTABLISHMENT AND PLANT PROPAGATION

https://www.facebook.com/media/set/?set=a.232472250127332.53147.173390052702219&type=1ery in the local authority.

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s