6 Na Paaralan Sa Ibaan, Wagi Sa Area Level Ng Gulayan Sa Paaralan Program

September 23, 2016 | Cinderella D. Samson

Nagwagi sa Area Level ng Gulayan sa Paaralan Program ang anim na paaralan sa Ibaan na sumailalim sa evaluation noong ika-20 at 21 ng Setyembre, taong kasalukuyan. Ang evaluation ay isinagawa ng mga piling Punong-guro ng District IV ng Batangas.

See more photos here.

Ang programa ay ginawa upang itaguyod ang produksyon ng gulay gamit ang natural farming method upang mapanatili ang school garden para magsilbing pangunahing pinagkukunan ng gulay upang matustusan ang Feeding Program ng mga paaralan.Ito ay alinsunod sa DA Administrative Order No. 05, Series of 2011, na pinirmahan ni dating Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, “Implementing guidelines of GPP under Programang Agrikulturang Pilipino to targets 42,076 vegetable gardens by 2016.Sinuportahan naman ng DepEd Memorandum No. 89, Series of 2015, ” Implementation of the Department of Education Funded Gulayan sa Paaralan Program,” to address malnutrition and promote vegetable production and consumption among school children”.

Narito ang listahan ng mga paaralan na nagwagi sa area level ng GPP:

  • Sustainable Garden- Category D/ innovative
    • Pilmes San Jose Elementary School – First Place
    • Sabang Elementary School- Second Place
    • Panghayaan Elementary School- Third Place
    • Mapulo Elementary School- Fourth Place
  • Category A/ Traditional
    • Rosario West Central School- First Place
    • San Juan West Central School- Second Place
    • San Juan East Central School- Third Place
    • Ibaan Central School- Fourth Place
  • Category C/ Traditional
    • Malainin Elementary School
    • Laiya Elementary School
    • Buhay na Sapa Elementary School
    • Alupay Elementary School
    • Masaya Elementary School
    • Bukal Elementary School
    • Pinagtungulan Elementary School
    • Dagatan Elementary School
  • Category C/ Innovative
    • Balagtasin Elementary School- First Place
    • Balanga Elementary School- Second Place
    • Quilib Elementary School- Third Place
    • Bawi Elementary School- Fourth Place
  • Category E/ Innovative
    • Pagasa Elementary School- First Place
    • Mabalor- Catandala Elementary Schoo- Second Place
  • Category E/ Traditional
    • Macalamcam Elementary School- First Place
    • Procopio Mailig Memorial School- Second Place
    • Paling Uwak Elementary School- Third Place
    • Laurel Elementary School – Fourth Place

Ang mga paaralan mula sa bayan ng Ibaan na lumahok sa Area Level ng GPP ay sinala mula sa evaluation na isinagawa nina Gng.Jocelyn D. Argente, District Gulayan Coordinator, at si Gng. Felicidad Dimaano, Technical Working Group ng GPP. Kasama rin si Gng. Ethel Joy Caiga-Salazar, Ibaan Municipal Agriculturist, Kon. Julius Panaligan Chairman ng Committee on Agriculture, at Mari Fe Villones, Nurse mula Municipal Health Office ng Ibaan bilang mga hurado. Naganap ang nasabing evaluation noong Setyembre 15- 16,2016.

Hinati sa limang kategorya ang mga paaralan alinsunod sa bilang ng mga magaaral na nakatala sa mga ito. Ang kategorya ay mula A hanggang E kung saan ang Category A ay may bilang na limang daang magaaral, Category B na may 499 pababa na bilang ng magaaral, Category C may 400 pataas na bilang ng magaaral, Category D may 250- 399 bilang ng magaaral, Category E na may 249 pababa na bilang ng magaaral. May kani- kanila naman silang grupong dapat kabilangan ayon sa pamamaraan ng pagtatanim at lawak ng lupang nakalaan para sa pagtatanim. Traditional kung malawak ang lupang taniman na may sukat na 150- 200 sq. meters at ayon sa pagsasagawa ng traditional farming method tulad ng pagbabalag. Innovative naman kung mas maliit ang lupang nakalaan para sa pagtatanim at pamamaraan ng paggamit ng mga recycled materials tulad ng mga sirang bag, sapatos, sirang pantalon at mga empty bottles.

Nagsilbing pamantayan ng mga hurado sa evaluation ng Gulayan sa bawat paaralan ang Lay- out or Design, Community  Involvement, Adoption of Organic Farming Practice, Diversity of Crops, Volume of Production, Return of Investment and Recording or Documentation.

Narito ang listahan ng mga paaralan, kategorya at grupong kinabibilangan ng mga ito:

  • Sabang Elementary School
    • Category D
    • Traditional
  • Quilo Elementary School
    • Category D
    • Traditional
  • Bungahan Elementary School
    • Category E
    • Traditional
  • Coliat Elementary School
    • Category C
    • Traditional
  • Malainin Elementary School
    • Category C
    • Traditional
  • Sto. Niño Elementary School
    • Category C
    • Traditional
  • Procopio Mailig Memorial School
    • Category E
    • Traditional
  • Talaibon Elementary School
    • Category C
    • Innovative
  • Panghayaan Elementary School
    • Category E
    • Innovative
  • Mabalor- Catandala Elementary School
    • Category E
    • Innovative
  • Mabalor- Catandala Elementary School
    • Category E
    • Traditional
  • Balanga Elementary School
    • Category C
    •  Innovative
  • Lucsuhin Elementary School
    • Category E
    • Traditional
  • San Agustin Elementary School
    • Category C
    • Traditional
  • Gregorio Sison Memorial School
    • Category E
    • Traditional
  • Tulay Elementary School
    • Category C
    • Traditional
  • Ibaan Central School
    • Category A and B
    • Traditional

Ang ilan sa mga paaralan ay nagumpisang magtanim noong Brigada Eskuwela hanggang unang buwan ng pasukan.  Katulong nila ang mga miyembro ng PTA, ilang NGO’s tulad ng samahan ng mga kababaihan at mga miyembro ng 4p’s. Katulong din dito ang ilang kawani ng Municipal Agriculture Office kung saan nanggagaling ang mga butong pinupunla sa mga paaralan gaya ng upo,patola,ampalaya, kamatis, mustasa, sitaw, petchay at sili.Pinangasiwaan din nila sa pangunguna ni Gng. Ethel Joy Caiga- Salazar ang pagtuturo ng paggawa ng Organic Fertilizer at Compost Pit.

Isinama na rin sa asignatura ng mga magaaral ang pagtuturo ng pagtatanim.Ayon sa tatlong batang kinapanayam ng tatlong hurado, tinuturuan sila ng kanilang mga guro kung paano magtanim, magdilig at tamang pag ani ng mga gulay. Sabi pa ng mga bata, Nag gagarden sila tuwing umaga at sa hapon mula alas 3 hanggang alas 4.

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s