1st Cooperative Month Celebration, Pinagusapan

September 28, 2016| Cinderella D. Samson

Tinalakay sa isang pagpupulong ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC), Setyembre 27, ang isasagawang programa para sa kauna-unahang selebrasyon ng Cooperative Month na gaganapin sa Recto Gymnasium, ika- 19 ng Oktubre ngayong taon

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Mayor Juan “Danny” Toreja, kasama si Gng. Ethel Caiga- Salazar bilang tagapangasiwa ng MCDC. Dumalo rin sa pagpupulong si MCDC Manager Evelyn Cabio at mga miyembro nito.

Layunin ng nasabing selebrasyon na kilalanin ang mahalagang kontribusyon ng kooperatiba sa socio-economic development ng isang komunidad at upang mapagyaman ang magandang pagsasama ng bawat miyembro nito.

Ayon sa plano, sisimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang misa sa Parokya ni Santiago alas-siyete ng umaga. Susundan ito ng parada na inaasahang lalahukan ng mga miyembro at opisyal ng iba’t ibang kooperatiba sa bayan ng Ibaan. Nakatakda ding gawin ang ilang aktibidades na may layuning itaguyod ang “camaraderie” sa pagitan ng lahat ng mga kooperatiba sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga “Fun Games”.

Nagpahayag naman ng kanyang suporta para sa nasabing selebrasyon si Mayor Danny Toreja. Nangako din siya na ibibigay ang mga pangangailangan ng nasabing selebrasyon sa abot ng kanyang makakaya, ganun din ng pamahalaang bayan ng Ibaan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s