125 Senior Citizens, Binakunahan Laban Sa Pneumonia

September 27, 2016 | Lala E. Esmana

Bilang bahagi ng programa ng Departmenmt of Health, binakunahan ng pneumococcal polysaccharide vaccine, o mas kilala bilang Anti – Pneumonia Vaccine, ang mga indigent senior citizens sa bayan ng Ibaan sa Municipal Health Office, September 27.

See related photos here.

Sa pakikipag ugnayan ng Punong Bayan Mayor Juan ” Danny ” Toreja at Municipal Health Officer Dra. Agnes M. Chua sa Department of Health, nabigyan ng 250 dose ng pneumococcal vaccine ang bayan ng Ibaan na sadyang inilaan para sa mga indigent senior citizens.

Ang pneumococcal vaccine ay ibinibigay kada limang taon sa mga matatanda na may edad animnapu at animnapu’t lima. Ang bakunang ito ay makakatulong sa mga matatanda na mahina na ang resistensya. Ito din ay panlaban sa sakit na pneumonia na kalimitang nagiging sakit ng mga matatanda. Kaya’t kalimitan din itong napapabigay sa mga matatandang naospital na.

Nabakunahan ang isandaan at dalawampu’t limang indigent (125) senior citizens sa pagtatapos ng nasabing gawain. Ganun pa man, mayroon ding ibang dumating na hindi nabakunahan dahil na rin sa pagkakaroon ng mataas na blood pressure at pagkakaroon ng allergy sa nasabing bakuna.

Sa panayam kay Mayor Danny Toreja, binigyang prayoridad muna nila ng Municipal Health Office ang mga mga indigent senior citizens. “Alam natin na medyo may kamahalan ang bakunang ito kaya sila muna ang inuna natin”, ani Mayor Toreja.

Ganun pa man, muli na siyang humiling sa Department of Health para sa karagdagang 1,800 dosage ng pneumococcal vaccine nang sa gayon ay mabigyan din ng nasabing bakuna hindi lamang ang mga indigent, kundi pati na rin ang iba pang senior citizens.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s