50 barricades, binubuo

September 23, 2016

Halos isang linggo na ang nakakalipas, patuloy pa rin sa pagwe-welding ang mga staff ng General Service Office (GSO) upang mabuo ang 50 metal barricades na gagamitin sa darating na All Souls at All Saints Day sa Nobyembre.

Inaasahan na matatapos sa katapusan ng buwan ng Oktubre, ang mga barricades ay gagamitin sa sementeryo at pangunahing lansangan patungo sa huli upang maging maayos ang daloy ng mga kapamilyang bibisita at mga sasakyan.

May sukat na 8ft x 5ft, gagamitin din ang nasabing barricades bilang “crowd control tool” at sa iba pang “public safety concern areas” lalo na sa tuwing magkakaroon ng mga pampublikong aktibidades ang pamahalaang bayan ng Ibaan.

Bukas din ang pamahalaang bayan ng Ibaan sa pamamagitan ng General Service Office na ipagamit o ipahiram ang mga ito sa publiko, sa mga pribadong indibidwal at institusyon, o sa sinumang nangangailangan nito.

Tanging paalala lamang ng GSO ay mapag-ingatan ang mga barricades ng sinumang gagamit upang mapapakinabangan ng nakararami sa mas mahabang panahon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s