250 senior citizens, nakatakdang tumanggap ng tulong pinansyal

September 13, 2016 | Lala E. Esmana

Nakatakdang tumanggap ng tulong ang may 250 senior citizens sa bayan ng Ibaan mula sa Department of Social Welfare and Development. Ito ay isang one time benefit para sa mga older persons na bahagi ng programa ng naturang tanggapan.

Ito din ay bahagi ng proyektong Bottom- Up Budgeting na isinulong ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan sa pangunguna ni Mayor Juan ” Danny ” Toreja kaagapay ang tanggapan ng Municipal Welfare and Development sa pangunguna ni Gng. Irene R. Torres.

May pondong P1,000,000.00 ang naturang proyekto na may layuning makatulong ng malaki para sa pangangailangang medical, burial, food at financial assistance ng mga senior citizens.

Nasa bilang na 1,115 ang mga social pensioner sa bayan ng Ibaan.Ang 250 naman ay tatanggap ng tulong mula sa tanggapan. Ang mga senior citizens na ito ay mula sa dalawampu’t anim na barangay sa bayan ng Ibaan na naka kumpleto ng mga dokumentong kailangang isumite base sa kanilang pangangailangan.

Labinlimang senior citizens ang naunang tumanggap ng tulong bilang first batch, apatnapu’t walo naman sa second batch, habang apatnapu’t dalawa naman ang tumanggap ng tulong bilang third batch.Samantala, nagkaroon naman ng 4th batch at nabigyan dito ng tulong ang pitumpo’t tatlong senior citizens. May kabuuang isandaan pitumpo at walo na  mga senior citizens ang nabigyan na ng tulong sa kasalukuyan.

Ang isang senior citizen na nagkasakit ay kailangang magsumite ng medical certificate, resibo ng gamot, certificate of indigency at senior citizen’s ID. upang matanggap ang tulong, habang ang mga wala namang sakit ay kailangang mag sumite ng resibo ng pagkaing binili at Certificate of Indigency.

Ayon kay Gng. Irene Torres, dahil na rin sa hindi ma-accommodate ang lahat ng senior citizens sa Ibaan bilang Social Pensioner dahil na rin kakulangan ng “slots” na ibinibigay ng DSWD para sa huli, minabuti ni Mayor Danny Toreja na maglaan ng pondo sa pamamagitan ng Bottom-Up-Budgeting (BuB) bilang financial assistance lalong higit sa mga senior citizens na hindi napabilang bilang mga “Social Pensioner”.  Ang DSWD – Regional Office naman ang pumili ng mga senior citizen na magiging benepisaryo ng nasabing proyekto matapos ibigay ng Ibaan MSWD ang pangalan ng mga senior citizens na nakapagsumite ng mga requirements.

Dagdag pa ni Gng. Torres, patuloy nilang pina-followup at hinihintay ang resulta ng huling aplikasyon ni Mayor Danny Toreja sa DSWD na mabigyan pa ng karagdagang 2,000 slots para sa social pensioner ng Ibaan. At kung sakaling maaprubhan ito ng DSWD, malaki ang posiblidad na masakop na nito, kung hindi man lahat, ang higit na malaking bilang mga senior citizens ng Ibaan bilang mga social pensioner.

Please read related articles:

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s