1 Patay Sa Pamamaril Sa Brgy. Lapu-lapu

September 22, 2016

Isang lalaki na biktima ng pamamaril sa Brgy. Lapu-lapu, bayan ng Ibaan, ang binawian ng buhay matapos ang insidente noong ika-20 ng Setyembre, taong kasalukuyan.

Kinilala ang biktima na si Romano Hernandez y Mendez, 45 taong gulang, may asawa, negosyante at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa Spot Report ng Ibaan Municipal Police Station, nakatanggap ng tawag ang kanilang istasyon mula kay PO1 Joel Magmanlac, 1:40 ng hapon, upang i-report ang nangyaring pamamaril sa Brgy. Lapu-lapu. Pinangunahan naman ni Ibaan MPS OIC PSI Joel B. Ilagan ang pagresponde sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigahan, bandang 1:30 ng hapon nang maganap ang pamamaril ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin ang biktima. Sakay umano ang mga salarin sa isang kulay gray na kotse na walang plaka.

Ayon pa sa report, nagtamo ng “mulitple gun shot wounds” sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima. Agad namang dinala sa Queen Mary Hospital sa bayan ng Ibaan subalit idineklara na itong “dead on arrival” ng attending physician ng nasabing ospital na si Dr. Dioscoro Maica Angelia.

Matapos ang insidente, agad umanong tumakas ang mga salarin at binagtas ang daan patungong San Jose, Batangas – Tollway.

Itinalaga naman bilang Officer-on-Case si PO3 Reynaldo Paulines Dusal.

Patuloy pa rin sa imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng mga salarin.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s