171 Bahay Sa Ibaan, Binisita Ng PNP Sa Ilalim Ng Project TOKHANG

September 19, 2016

Umabot na sa 171 ang kabuuang bilang ng mga bahay na nabisita ng Ibaan PNP mula July 1 hanggang August 28 ng taong kasalukuyan bilang bahagi pa rin ng patuloy na implementasyon ng Project TOKHANG sa bayan ng Ibaan, Batangas.

Matatandaan na ang Project TOKHANG (Toktok – Hangyo) ay isang istratehiya ng Philippine National Police sa pagsugpo sa ipinagbabawal na droga kung saan ang tahanan ng mga suspected drug personalities na nasa kanilang “watch list” ay kanilang kinakatok upang pakiusaapan na sumuko na o itigil na ang anumang gawain na may kinalaman sa iligal na droga.

Base sa Weekly Accomplishment Report ng Ibaan Municipal Police Station patungkol sa nasabing proyekto, August 5 – 11 ang  petsa na mayroon silang pinakamaraming bahay na nabisita sa bilang na 47. Sinundan ito noong July 15 – 21 kung saan nakapag-bisita sila ng 27 bahay kung saan naninirahan ang suspected drug personality.

Samantala, 10 na ang sumuko mula sa 14 na suspected drug pushers mula July 1 hanggang September 4 ng taong kasalukuyan. Tatlo (3) naman sa mga ito ang naaresto sa mga isinagawang drug buy bust operation ng Ibaan PNP, habang ang isa naman ay pinaniniwalaang wala na sa kanilang barangay base sa certification o pagpapatunay na ibinigay ng Barangay Chairman.

Related articles:

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s