Pagbisita ng Tatlong Imahe ni Maria, dinagsa ng mananampalatayang Ibaeño

archdiocesan-marian-pilgrimage-at-ibaan-september-9-2016-3
Photo by Lala Esmana

September 13,2016  | Cinderella D. Samson

Dinagsa ng mga mananampalatayang Ibaeño ang pagbisita ng imahe ng Our Lady of Caysasay, Mary Mediatrix,at Our Lady of Mercy. Ang mga imahe ay naglakbay mula Malipunyo, Sto.Tomas patungong Lobo, at nagtagpo sa St. James the Greater Parish, bayan ng Ibaan. Nagdaos din ng banal na misa sa kahilingan at pangunguna ni Rev. Fr. Randy Marquez, OSJ alas-onse ng umaga, September 9.

Click here for more photos.

Hiniling ng kura-paroko na mag-alay ng isang misa sa kabila ng sana’y pagtatagpo lamang ng mga naghatid sa mga imahe na pinangunahan  ni Most Rev. Msgr. Ramon Arguelles,DD, Archbishop of Lipa Diocese at mga kawani ng simbahan ng Lobo na silang sumundo upang dalhin sa kanilang simbahan ang mga imahe.

archdiocesan-marian-pilgrimage-at-ibaan-september-9-2016-2

Ang misa ay isinagawa nina Rev.Fr. John De Castro,OSJ, mula sa parokya ng Most Holy Rosary sa Padre Garcia, Rev. Fr. Randy Marquez,OSJ, Rev. Fr. Randolph Sentales, Rev. Fr. Jeff Perez, OSJ, ng parokya ng St. James the Greater Parish. Ang misa ay dinaluhan din ni Dra. Pat Toreja, unang Ginang ng bayan at kanyang anak na si Juan Phillipe Toreja. Dumalo din ang Bise- Alkalde ng Ibaan na si Vice-Mayor Joy Salvame kasama ang ilang konsehal kabilang sina Kon. Pj Chua, Kon. Mateo Guerra, Kon. Juvy Mendoza, Kon. Turing Maputi at Kon. Cesar Marasigan.Ilan ding mga delegado ang dumating mula sa ating mga kalapit bayan tulad ng Apostolado ng Panalangin, WAF o World Apostolate of Fatima, at Ligeon of Mercy na nagmula sa San Juan, Batangas. May mga delegado din ang Divine Mercy Devotees ng Alupay, Rosario, Batangas at mga taga Taysan Batangas.

Ang paglalakbay, o Archdiocesan Marian Pilgrimage ng mga imahe ay isang adbokasiyang isinusulong ng AMEN, Archdiocesan Ministry of Environment and Nature na naglalayong mapangalagaan ang ating kalikasan. Kaya’t kanilang naisipang idaan sa bayan ng Ibaan ang mga imahe ay upang makita ang daloy ng tubig at ganda ng kakahuyan ng Ilog ng Catandala.Tinalakay din na ang kaluntian ng mga kakahuyan ay regalo ng Panginoon at di dapat masalanta. Sa lugar ng Taal at sa Taysan at sa Taysan Batangas sa bundok ng Banoy ay may kapinsalaan dahilan sa Quarry at Copper Mines doon. Naniniwala ang AMEN, na sa pamamagitan ng paglalakbay ng tatlong imahe ay maaantig ang puso ng mga taong ang layunin ay ang magpayaman na ipagisang tabi ang sariling kapakanan at isipin ang ikabubuti ng lahat.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s