PSI Joel Bunquin Ilagan, Bagong Hepe Ng Ibaan MPS

September 9, 2016 | Lala Esmana

Sa isinagawang Turn-Over of Office Ceremony noong ika – 11 ng Agosto  sa Batangas Police Provincial Office na dinaluhan ng ilang matataas na opisyal ng Batangas  Police Provincial Office (BPPO), pormal nang umupo sa  kanyang pwesto bilang bagong  Hepe  ng  Ibaan Municipal Police Station  si Police Senior Inspector  Joel Bunquin  Ilagan.

Pinalitan ni PSI Ilagan si  Police Senior Inspector  Ricaredo Dalisay na umupong  Hepe ng Ibaan sa loob ng sampung (10) buwan at kasalukuyang naitalaga bilang Chief Investigator at Chief of Police Community Relation sa Lipa City Police Station.

Ayon kay  PSI Ilagan,  hihigpitan nya  ang kampanya laban sa illegal na droga. Kasama rin sa kanyang mga plano na gawing aktibo ang mga Barangay Officials upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa nasasakupan.

Bukod sa illegal na droga, nais nya rin umano na higit pang mapagtibay at mapanatili ang magandang samahan ng mga mamamayan at kapulisan sa bayan.

Bago naasign si PSI Ilagan sa bayan ng Ibaan, naglingkod muna sya sa Batangas Provincial Public Safety Company bilang isang Operation Officer.

Police Senior Inspector Joel Ilagan Bunquin.
Police Senior Inspector Joel Bunquin Ilagan.

Background

Nagtapos ng kolehiyo sa Lyceum of the Philippines University – Batangas (dating Lyceum of Batangas) si PSI Ilagan kung saan kumuha siya ng kursong BS Criminology noong 2001. Sa parehong taon, naipasa nya ang Board Exam para sa Criminology, ganun din ang PNP Entrance Exam.

Sa patuloy na pagiging uhaw sa kaalaman sa pagiging isang serbisyo publiko, kumuha at nagtapos sya ng Masters in Public Administration noong 2014 sa Golden Gate Colleges.

Sa mga nagdaang taon, nakumpleto din niya ang Public Safety Basic Recruit Course, Public Safety Officers Basic Course, at Public Safety Officers Advance Course bilang bahagi ng Mandatory Career Courses. Nagkaroon din siya ng mga Special Trainings tulad ng Field Training Program at PS Narcotics Investigation Course.

Samantala, malawak na rin ang kanyang naging karanasan sa pagiging Hepe ng mga Police Stations. Bago ba pa man ang pagtatalaga sa kanya sa Ibaan, nauna na siyang naging Chief of Police sa bayan ng Padre Garcia (August 2013) at Cuenca (January 2013). Naging Deputy Chief of Police din siya sa bayan ng Rosario (September 2011) at San Jose (December 2010).

Tulad din ng ibang pulis, nagsimula si PSI Ilagan sa ranggo bilang Police Officer 1 (2001), Police Office 2 (2004), Police Officer 3 (2008), at Police Inspector (2009). Sa huli, na-promote siya bilang Police Senior Inspector noong 2011.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s