687 na ang sumuko sa ” Oplan Tokhang ” sa Ibaan

September 07, 2016 | Lala E. Esmana

Umabot na sa 687 ang bilang ng mga drug personalities na boluntaryong sumuko sa tanggapan ng Ibaan Municipal Police Station sa pinaka huling tala noong September 4, taong kasalukuyan.

Read related article here.

Sa isang panayam kay Police Senior Inspector Joel Bunquin Ilagan, bagong Hepe ng pulisya sa bayan ng Ibaan, 155 sa 687 na sumuko ay kabilang sa kanilang “Watch List”, kasama na ang sampu (10) umanong drug pushers. Ang natitira namang 530 ay pawang mga kusang-loob lamang na sumuko bagama’t wala sila sa listahan ng pulisya.

Samantala, lima naman ang mga personalidad na kanilang inaresto na gumagamit ng  droga at tatlo naman ang nagtutulak nito.

Base pa rin sa kanilang datus, sa bilang na 189 na pushers at users na kabilang sa kanilang watchlist, labing siyam na lamang ang hindi pa sumusuko sa kadahilanang wala sila sa kanilang lugar at hindi pa matagpuan.

Dagdag pa dito, nasa 171 na ang bilang naman ng mga tahanang kanilang nabisita.

 

Advertisements

One thought on “687 na ang sumuko sa ” Oplan Tokhang ” sa Ibaan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s