Ibaan Day Care Workers At Day Care Centers, Kinilala Ng DSWD – Regional Office

September 05, 2016 | Lala E. Esmana

Isa na namang karangalan ang nakamit ng bayan ng Ibaan kung saan kinilala ng Department of Social Welfare and Development – Regional Office ang mga Day Care Workers at Day Care Centers nito na ginawaran ng Certificate of Accreditation dahil sa mahusay na pagganap sa kanilang tungkulin sa pagbibigay ng de-kalidad na pangunahing edukasyon sa mga bata.

Ito ay bilang pagkilala sa bawat isang Day Care Worker na nagkamit ng mula Satisfactory hanggang Highly Competent na antas ng Accreditation Level o higit na kasiya-siyang  pagganap para sa implementasyon ng “Early Childhood Care and Development Center-Based Programs For Providing Opportunities For Growth And Development Of 0- 5 Year Old Children”. Ang nasabing pagkilala ay ibinigay din sa mga Day Care Centers kung saan nagtuturo ang mga Day Care Workers.

Pinangunahan naman nina Mayor Danny Toreja at Vice Mayor Joy Salvame ang paggagawad ng sertipiko, September 5, sa isang simpleng seremonya matapos ang flag ceremony ng mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan sa B. R. Medrano Plaza. Sinaksihan din ito ng mga miyembro Sangguniang Bayan na sina Kon. Paul John Chua, Kon. Julius Panaligan, Kon. Juvy Mendoza, Kon. Mati Guerra, Kon. Turing Maputi, at ABC President Armando Gutierrez.

Ang mga sertipiko ay nilagdaan ni DSWD Regional Director Leticia T. Diokno noong Hunyo 30, 2016

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s