Akreditasyon ng Ibaan Day Care Workers at Day Care Centers, naging matagumpay

September 05, 2016 | Cinderella D. Samson

Napagtagumpayan ng mga Day Care Workers at Day Care Centers ng bayan ng Ibaan ang isinagawang assessment ng Department of Social Welfare and Development Region 4-A Office sa kanila noong nakaraang buwan ng Hunyo hanggang Agosto ng taong kasalukuyan bilang bahagi ng kanilang accreditation kung saan pangunahing layunin nito na masuri ang antas ng implementasyon ng “Early Childhood Care and Development Center-Based Programs For Providing Opportunities For Growth And Development Of 0- 5 Year Old Children”.

Sa pangunguna ni DSWD Regional Office Director Leticia Diokno, isa-isang binisita ang mga Day Care Centers dala ang Assessment Tool na nagsilbing check list at gabay sa pagsusuri ng mga impormasyon na mayroon ang isang Day Care Center. Tiningnan din dito kung naaayon sa itinakdang pamantayan ng nasabing ahensya ang mga aksyon na isinagawa ng bawat Day Care Center at Day Care Workers para sa implementasyon ng unang nabanggit na programa.

Isa sa mga dokumento isinumite ng mga Day Care Workers na sinuri naman ng mga accreditor ay ang Early Childhood Care And Development (ECCD) Child Profile. Nakapaloob dito ang mga impormasyon patungkol sa mga batang mag-aaral tulad ng Intake Sheet, Health Record, Dental Record, Immunization Record, Birth Certificate, at Parents’ Consent.

File Photo: Mayor Danny Toreja distributing books among Ibaan Day Care students.
File Photo: Mayor Danny Toreja distributing books among Ibaan Day Care students.

Binigyang pansin din sa assessment ang silid aralan kung akma ba ito sa pagkakaroon ng isang “conducive environment” upang maengganyo ang mga bata na mag-aral. Ilan sa mga punto na tiningnan ay ang sukat ng kwarto, pagkakaroon ng mga kagamitan para sa maayos na bentilasyon tulad ng aircon o electric fan, pagkakaroon ng palikurang hiwalay para sa babae at lalaki, sukat at lokasyon ng mga pintuan na kinakaialangang mayroong isa para sa pasukan at isa para sa labasan, ganun din ang ginhawa at proteksyong hatid ng mga bintana.

Sa huli, nakuha ang antas ng accreditation mula Satisfactory hanggang sa pagiging isang Highly Competent ng mga Day Care Workers at Day Care Centers.

Narito ang naging resulta ng assessment para sa kanilang accreditation:

  1. Gng. Evelyn C. Papio – Very Competent | Sabang Day Care Center – Satisfactory
  2. Maricel P. Gutierrez – Very Competent | Bago Day Care Center – Very Satisfactory
  3. Annalyn G. Agno – Very Competent | Sto.Niño Day Care Center – Satisfactory
  4. Olympia Gina P. Aguilera – Highly Competent | St. Vincent Day Care Center (Brgy. Poblacion) – Satisfactory
  5. Gina T. Guerra – Very Competent | Calamias Day Care Center – Very Satisfactory
  6. Tulay Day Care – Center Satisfactory
  7. Marite A. Yacon – Competent | Palindan Day Care Center – Satisfactory
  8. Cynthia S. Balbuena – Very Competent | Coliat Day Care Center- Satisfactory
  9. Lea L. Tanyag – Highly Competent/ Competent | Panghayaan Day Care Center – Satisfactory
  10. St. Augustine Day Care Center(Brgy. San Agustin) – Satisfactory
  11. Precila A. Laisa – Very Competent |Balanga Day Care Center – Satisfactory
  12. Ma. Milagros C. Quinay – Competent | Munting Tubig Day Care Center – Satisfactory
  13. Taciana A. Arellano – Competent | Talaibon Day Care Center – Satisfactory
  14. Wilma Suba – Very Competent |Lucsuhin Day Care Center – Satisfactory
  15. Aurea Dimaano – Very Competent | Bungahan Day Care Center – Satisfactory
  16. Nerisa R. De la Cruz – Very Competent | Catandala Day Care Center – Satisfactory
  17. Corizza O. Magtibay – Very Competent | Lapu-Lapu Day Care Center – Satisfactory
  18. Catherine P. Diama – Very Competent/Competent | Salaban I Day Care Center –Satisfactory
  19. Matala Day Care Center – Satisfactory
  20. Rhea Japor – Very Competent | Salaban II Day Care Center – Satisfactory
  21. Malainin Day Care Center – Satisfactory
  22. Aurea Añonuevo – Very Competent | Sandalan Day Care Center – Satisfactory
  23. Reneelyn Go – Very Competent | Mabalor Day Care Center – Satisfactory
  24. Edna Cabatay – Very Competent | Dayapan Day Care Center – Outstanding
  25. Pangao Day Care Center – Satisfactory
  26. Avelina D. Andal – Very Competen | Quilo Day Care Center – Very Satisfactory

Ayon naman sa Presidente ng samahan ng mga Day Care Workers na si Gng. Avelina D. Andal, lubos ang kanilang kasiyahan sa naging resulta ng assessment.

Naging napakasaya namin sapagkat naging matagumpay at maganda ang resulta ng aming pagpupuyat at pagod. Nagpapasalamat ako sampu ng aking mga Co- Day Care Workers sa tulong at suporta ng ating butihing alkalde, Mayor Juan “Danny” Toreja, sapagkat nasusuklian ang aming pagsisikap para sa tuluyang pagtataas ng aming sahod na nakakatulong sa pang araw-araw na pangangailangan ng aming pamilya“, aniya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s