Iba’t ibang flavor ng peanut butter, patok sa livelihood training program ng IMAO

September 1, 2016 | Mark Lacsamana

Paggawa ng iba’t ibang flavor ng peanut butter tulad ng cheezy peanut butter, peanut butter milk, choco peanut butter, real peanut butter, cheese-flavored peanut butter spread, at peanut butter polvoron ang itinuro sa 38 partisipante ng isa na namang matagumpay na livelihood training program ng Ibaan Municipal Agriculture Office, August 30 – 31.

Sinimulan ang programa sa isang panalangin na sinundan ng pang-unang pagbati sa mga partisipante at mga staff ang binigay ni Gng. Ethel Joy Salazar, Municipal Agriculturist Officer.

Muli namang naimbitahan si G. Medardo Noscal bilang tagapagsanay, ang Board Secretary ng Food Entrepreneurs and Exporters Organization of the Phils. sa UP Diliman, at Owner ng Marketmix Business Development Center.

Tinuruan din niya ang mga ito ng packaging at labelling na magbibigay ng magandang presentasyon sa produkto.

Bago magtapos ang programa, huling tinalakay sa programa ang Product Costing, sa pamamagitan nito ay malalaman ng partisipante ang kanilang mga ginastos sa paggawa ng peanut butter.

Itinuro din ni G. Noscal ang pagbuo ng isang marketing plan upang matutunan ng mga partisipante ang tamang pagpili ng produkto base sa market segmentation, target market at customers preferences o kung ano ang hinahanap ng merkado.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s