Orientation para sa pagpapabakuna laban sa “Tigdas Hangin”, ginanap

August 25, 2016 | Mark Lacsamana

Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan at Department of Health, isang orientation na may titulong ” Orientation on Measles Rubella “, ang isinagawa sa Ibaan District Hall, Agosto 24, na dinaluhan ng 72 participante kabilang ang mga Grade 1 Teacher Adviser ng public schools, Clinic Teachers, PTA President ng bawat school, at Municipal Health Office Officers.

Sinimulan ang programa sa isang panalangin, na sinundan ng unang pagbati ni Gng. Emiliana Roxas, School District Supervisor.

Sa Orientation, unang ipinaliwanag ni Dra. Ana Maria Nonifera, Regional Health Officer III ng Department of Health, ang kahalagahan ng pagpapabakuna sa kalusugan ng bata ay kailangang bigyan ng pansin ng mga magulang.

Ayon pa kay Dra. Nonifera, ang bakuna ay nagbibigay ng proteksyon laban sa maraming panganib na sakit.Hindi rin maaaring bakunahan ang taong may sakit dahil pwedeng pagmulan pa ito ng komplikasyon sa katawan.

Sunod namang tinalakay ni Gng. Myreen Valenzuela, Provincial Health Office Officer, ang Measles Rubella. Ayon sa kanya, ang Measles Rubella o tigdas hangin ay isang uri ng karamdaman na dulot ng virus na kumakalat sa pamamagitan ng hangin. Ang mga pangunahing sintomas nito ay lagnat, ubo, sipon, pagmumuta ng mata at pantal ng balat.

Dinagdag pa ni Gng. Valenzuela na maiiwasan ang pagkakaroon ng nabanggit na virus sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng bakunang Measles Rubella o MR.

Ayon pa kay Gng. Valenzuela, ang pagkakaroon ng artritis dahil sa rubella ay karaniwan at karamihang nangyayari sa mga  babae. Kapag ang isang babae ay nagkaroon ng rubella habang siya ay nagdadalangtao, ang babaeng ito ay maaaring makunan, o kaya ay maaaring magluwal ng isang sanggol na may mga depektong malulubha.

Kaugnay nito, magkakaroon ng libreng pagpapabakuna ng MR vaccine sa mga Grade 1 at Grade 7 estudyante sa mga pampublikong paaralan sa bayan ng Ibaan.

Narito ang mga iskedyul para sa School-Based Immunization- MR :

  • September 1, 2016 | Panghayaan Elementary School, Mabalor Elementary School, Luksuhin ES, Gregorio Sison ES, San Agustin ES, Balanga ES.
  • September 2, 2016 | Sabang ES, Coliat ES, Bungahan ES, Procopio Mailig ES, Quilo ES.
  • September 5, 2016 | DJAMPMNHS ES.
  • September 6, 2016 | Talaibon ES, Sto. Nino ES, Tulay ES.
  • September 7, 2016 | Ibaan Central ES, Malainin ES, Maximo National HS.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s