DJAPMNHS Grades 7 – 10 Intramurals 2016, Idinaos

August 25, 2016 | Lala E. Esmana

Idinaos ng Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School, August 25- 27, ang kanilang Intramurals sa mismong eskwelahan sa Talaibon, Ibaan, Batangas.

Dinaluhan ito ng lahat ng mga guro at mga mag aaral mula grade- 7 hanggang grade- 10 sa nasabing eskwelahan.

Dumalo din at nagbigay ng mensahe ang mga bisita sa pangunguna ng Kapitan ng Barangay Marsevic Mendoza, Chairman on Sports Commitee Kon. Edward De Castro, Kon. Paul John Chua, Chairman of Ibaan Municipal Physical Fitness and Sports Council Engr. Noriel Aguila, PTA Pres. Geirly Cantillo at District Supervisor Emiliana M. Roxas.

Pagkatapos ng mga mensahe ay nagpakita ng mga talento ang mga piling mag aaral sa larangan ng arnis at rondalya.

Rumampa naman ang labing limang kandidata para sa tatanghaling Ms. Intramural 2016 mula sa mag aaral ng Grade 7- 10.

Nahirang bilang 3rd runner- up mula sa G10 si Lileth E. Andal, Khate A. Guerra bilang 2nd runner- up mula sa G8, 1st runner- up naman si Mary Victor Anne Perez mula din sa G8 at ang tinanghal na Ms. Intramural 2016 ay si Jamica Pauline Yumul na mula naman sa G9.

Nagsilbing hurado para  sa patimpalak na ito sina Gng. Mary Ann Martinez ang Guidance Counselor ng eskwelahan, Gng. Josie Aguila at ang Chairman ng mga hurado at Coordinator ng DJAPMNHS Senior High School na si Gng. Jesusa Perez.

Sinundan ito ng iba’t ibang zumba dance mula sa iba’t ibang section, at pagkatapos nito ay magkakaroon ng paligsahan ng mga laro sa susunod na dalawang araw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s