Babae, natagpuang patay sa Brgy. Talaibon

August 22, 2016

Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa Brgy. Talaibon, Ibaan, Batangas noong ika-20 ng Agosto, taong kasalukuyan.

Batay sa spot report ng Ibaan Municipal Police Station (MPS), bandang alas-sais kinse ng umaga (6:15 AM) nang personal na magpunta sa Ibaan-MPS ang isang nagngangalang Gerardo Aguila, 43-taong gulang at residente ng Brgy. Coliat, upang i-report na mayroong bangkay ng babae ang natagpuan sa nasabing lugar malapit sa Dr. Juan A. Pastor Memorial National Highschool sa Brgy. Talaibon.

Matapos na marinig ang sumbong ni G. Aguila, agad itong pinuntahan ni Ibaan-MPS Officer-in-Charge Police Senior Inspector Joel Bunquin Ilagan kasama ang nakatalagang imbestigador ng araw na iyon na si SPO1 Reynaldo Paulines Dusal at ang patrol team ng nasabing presinto.

Sa inisyal na imbestigasyon, mayroong tama ng bala sa ulo ang biktima. Nakatali din umano ang mga kamay nito at binalot ang mukha gamit ang packaging tape.

Dahil dito, agad na hiningi ang tulong ng Scene Of The Crime Operatives (SOCO) para sa mas maayos na pagpoproseso ng lugar kung saan natagpuan ang biktima.

Dagdag pa sa description na nakatala sa spot report, ang babaeng natagpuan ay nakasuot ng violet na damit na may black stripes, medium-built and pangangatawan, at tinatayang nasa 5″2″ ang tangkad.

Dinala na ang biktima sa Provincial Crime Laboratory Office, Batangas City para sa autopsy.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng Ibaan-MPS upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima, motibo ng krimen, at kung sino ang may kagagawan o sangkot sa sinapit ng biktima.

Nananawagan ang Ibaan-MPS sa sinumang mayroong impormasyon tungkol sa insidente na kung maari ay makipag-ugnayan sa kanilang himpilan para sa mabilis na ikalulutas nito. Maari silan tumawag sa 0915-337-7440.

Naitalaga naman na “Officer-in-Case” si SPO1 Reynaldo Paulines Dusal.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s