10 BSU nursing students, mag-aaral sa Ibaan Municipal Health Office

August 22, 2016

Bilang bahagi ng kanilang “Related Learning Experience” (RLE), sampung (10) nursing students ng Batangas State University (BSU) ang nakatakdang manatili sa Ibaan Municipal Health Office mula Lunes hanggang Miyerkules sa loob ng susunod na tatlong linggo ng taong kasalukuyan.

Kasama ang kanilang Clinical Instructor na si Gng. Aida Bagui, personal na nagpaalam sa pamamagitan ng isang “courtesy call” ang mga estudyante sa tanggapan ni Mayor Danny Toreja, Agosto 22.

Ang mga nursing students ay magsasagawa ng obserbasyon upang maintindihan at mapag-aralan ang operasyon at mga proseso na isinasagawa sa isang Health Center. Bahagi din ito ng kanilang “socialization” at “community immersion” upang personal na maranasan ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan.

Makikibahagi sila sa serbisyo na isinasagawa sa Municipal Health Office sa mga sumusunod na petsa: August 22 – 24, August 29 – 31, at September 5 – 7.

Karamihan sa mga nursing students ay nagmula sa iba’t ibang bayan sa probinsiya ng Oriental at Occidental Mindoro, at Quezon.

Magsisilbi naman gabay ang kanilang Clinical Instructor na si Mrs. Aida Bagui na mula naman sa Brgy. Bago, Ibaan, Batangas.

Narito ang mga nursing students ng BSU:

  • Ginay, Sheena
  • Montenegro, Bem-Bem
  • Polinag, Mark Angelous
  • Torralba, Jessica
  • Alvarez, Cecilio Jr.
  • Valera, Golda
  • Clidoro, Leah Annie
  • Gutierrez, Charish
  • Barcelo, Abbegail
  • Dorona, Pref-Me
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s