Meatworld International Inc., Nangangailangan ng Butchers

August 19, 2016 | Lala E. Esmana

Bilang “mother company” ng iba’t ibang kumpanya na may kinalaman sa “meat processing and retailing” tulad ng Delnor Agri Foods, Inc., pinangunahan ng Meatworld International ang pangangalap ng empleyado para sa mga “allied companies” nito na matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ito rin ang pangunahing dahilan upang makiisa sa isinagawang Local Recruitment Activity (LRA) sa pamahalaang bayan ng Ibaan, August 17.

Ang nasabing kompanya ay nangangailangan ng mga empleyado para sa mga posisyon tulad ng Slaughterhouse Supervisor, Accounting Assistant, Delivery Van Drivers, QA supervisors, Engineering Supervisor, Holding Pen Personnel at Merchandisers/ Butchers na itatalaga sa iba’t ibang outlet na matatagpuan sa SM, Robinson, Waltermart, Puregold at Metro Gaisano.

Ngunit dahil na rin sa lumalagong industriya ng karne sa bansa, mas marami ang kailangan nilang butchers sa kanilang kompanya.

Ayon kay Gng. Geng Garcia, HR Manager ng Meatworld International, Inc., isang magandang pagkakataon sa sinumang interesado ang mapabilang sa hanay ng kanilang mga ekspertong “butchers”. Ganun pa man, kinakailangan munang dumaan sa mahigpit na aktwal na pagsasanay na isasagawa ng kanilang kumpanya sa loob ng 60-70 araw.

Sa proseso ng pagsasanay, tatanggap ang mapalad na aplikante ng “training allowance” na magiging bahagi na rin ng “training fee”. Magiging maluwag ito sa mga magsasanay dahil maaring ang kanilang araw-araw na pamasahe na lamang ang kanilang pagkagastusan.

Kung makapasa ang isang aplikante, malaki ang posibilidad na ma-assign o mai-deploy siya sa Delnor Agri Foods, Inc. na inaasahan namang magbubukas at magsisimula ng kanilan operasyon sa taong 2017.

Dagdag pa ni Gng. Geng, kapag naging fully operational na ang Delnor na matatagpuan sa Brgy. Lapu-lapu, aabot sa 500 – 800 baboy at 100 baka ang kakatayin at ipoproseso dito. Kung aya’t mataas ang kanilang pangangailangan para sa butchers. Bukod pa dito, mangangailangan din sila ang iba pang empleyado na ilalagay sa iba’t ibang opisina nito.

Sa kasalukuyan, naka-focus pa umano sila sa pangangalap ng empleyado para sa kanilang mga “allied companies”. Ganun pa man, magbibigay sila ng sapat na panahon at pagkakataon para naman mangalap ng empleyado mula sa bayan ng Ibaan para sa Delnor Agri Foods, Inc.

Related article:

“For sure babalik tayo para sa recruitment. Hindi pa lang natin masabi kung kailan dahil makikipag-usap din muna tayo sa pamunuan ng Delnor para malaman din natin ang kanilang time-table”, aniya.

Para sa iba pang katanungan, maaring bisitahin at magmensahe sa kanilang Facebook page account:

 

 

Advertisements

2 thoughts on “Meatworld International Inc., Nangangailangan ng Butchers

    1. sir, you can click the link at end part part of the article for Meatworld’s facebook account. you can send your message there directly. hindi nila kayo masasagot dito dahil hindi po sila admin ng blog site na ito. better po na directly sa kanila po kayo magmessage.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s