137, nag -donate ng dugo sa Ibaan

August 17, 2016 | Lala E. Esmana

Umabot sa 137 ang bilang ng mga taga-Ibaan ang nag-donate ng dugo na ginanap sa  Ibaan Municipal Health Office, August 16, alas otso ng umaga.

(Click here for more photos.)

Ito ay isang voluntary blood donation na taon-taon ay isinasagawa sa pagtutulungan ng pamahalaang bayan ng Ibaan sa pangunguna ng butihing Mayor Juan “Danny” Toreja at Municipal Health Officer Dra. Agnes M. Chua, at mga Staff.

Mula sa Batangas Medical Center, siyam na kinatawan na pawang mga nurse ang nagsagawa ng pagkolekta ng dugo. Nasa bilang na 146 ang nagpatala para dito ngunit 138 lamang ang kabuuang bilang ng nakuhanan sa kadahilanang ang iba dito ay mataas ang blood pressure, mababa ang hemoglobin at kulang sa timbang. Ganun pa man, nakakolekta pa rin ng kabuuang 68, 250 cc na dami ng dugo.

Ang mga nakolektang dugo ay magiging bahagi ng “blood bank” ng Batangas Medical Center (dating Batangas Regional Hospital). Bilang kapalit, magkakaroon naman ng prebilehiyo ang mamamayan ng Ibaan na makakuha ng libre o suportang dugo mula sa nasabing ospital sa pamamagitan ng pamahalaang bayan ng Ibaan.

ibaan blood letting donation ibaan batangas agnes chua mayor danny toreja ibaan health center august 16 2016

Bukod sa mga mamamayan ng Ibaan na naimbitahan at boluntaryong nagtungo sa Municipal Health Center, nakiisa din sa pagbibigay ng kanilang dugo ang ilang kawani ng munisipyo. Anila, isang karangalan ang makapag-bigay ng tulong sa kapwa kahit sa simpleng bagay. Hindi umano nila alintana ang pagod o saglit na panghihina na kanilang mararamdaman matapos magbigay ng dugo kung ang kapalit naman ito ay ang pagdugtong sa buhay ng kapwa na mangangailangan ng kanilang dugo.

Lubos naman ang pasasalamat na ipinahayag ni Mayor Danny Toreja sa lahat ng nakiisa at tumalima sa nasabing programa.

“Sinimulan natin ang ganitong gawain noong 2010. Taon-taon, sinisiguro natin na magkakaroon tayo ng ganito dahil sa halos araw-araw na mayroon tayong kababayan na pumupunta sa ating opisina, isa ang dugo sa mga inihihingi nila ng tulong. Sa ganitong blood letting, kahit paano nakakaipon tayo ng dugo para sa kanila. Kaya kung mayroon man tayong dapat pasalamatan, iyon ay ang ating magigiting na mga kababayan na boluntaryong nagbibigay ng kanilang dugo sa mga ganitong pagkakataon. Saludo tayo sa kanila. Syempre wag natin kalimutan ang ating Municipal Health Office, kay Dra. Agnes Chua, at ang mga representative ng Batangas Medical Center. Sila ang naging katulong natin para maisakatuparan ito.”

Tumanggap naman ang bawat isa ng Certificate of Appreciation na nilagdaan ni Mayor Danny Toreja.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s