Meat Processing Seminar, Isinagawa

Ang mga partisipante ng Meat Processing Seminar na ginangap sa Ibaan Municipal Agriculture Office, August 11-12 (Photo by Lala E. Esmana).
Ang mga partisipante ng Meat Processing Seminar na ginangap sa Ibaan Municipal Agriculture Office, August 11-12 (Photo by Lala E. Esmana).

August 15, 2016 | Lala E. Esmana

Bilang tugon sa panawagan na muling magkaroon ng meat processing training, isinagawang muli ang nasabing pagsasanay sa ikalawang pagkakataon, August 11 – 12 sa Ibaan Muncipal Agriculture Office,  upang mabigyang kaalaman ang mga nagnanais na magsimula ng simple at kumikitang negosyo sa pamamagitan ng paggagawa at pagtitinda ng processed meat products tulat ng tocino, longganisa at iba pa.

Click here for more photos: Day 1 and Day  2.

Ang dalawang araw na meat processing training/seminar ay isa sa anim na proyekto na natukoy sa pamamagitan ng Bottom-Up-Budgeting (BUB) at bahagi ng livelihood programs na isinulong ng tanggapan ng pamahalaang bayan ng Ibaan sa pangunguna ni Mayor Juan ” Danny ” Toreja at sa tulong ni Ibaan Municipal Agriculturist Gng. Ethel Joy Salazar.

Naging tagapagturo si G. Medardo Noscal na dating DTI Officer na sa kasalukuyan ay isa nang freelance trainer at consultant na nagtuturo ng iba’t ibang teknolohiya, lalong higit sa larangan ng meat processing, na maaring gamitin sa paghahanap-buhay.

Itinuro niya sa mga partisipante ang paggawa ng tocino, hamburger patties, native pork at beef tapa at embutido. Hindi lamang ang mismong paggawa ng mga produktong ito ang itinuro ni G. Noscal, itinuro din niya ang pagbuo ng isang marketing plan kung saan matututunan dito ang tamang pagpili ng produkto base sa market segmentation, target market at customers preferences o kung ano ang hinahanap ng merkado. Tinuruan din niya ang mga ito ng packaging at labelling na magbibigay ng magandang presentasyon sa produkto at higit sa lahat ay ang tamang paglalagay ng presyo ng mga produkto upang maiwasan ang pagkalugi o ang pagkakaroon ng sobrang halaga ng produkto na maaring maging dahilan upang hindi tangkilin ng mamimili ang produkto.

Sa panayam kay Municipal Agriculturist Gng. Salazar, marami pa ang nakahanay na mga trainings at seminars para sa taong kasalukuyan kung kaya’t inaasahan na marami pa ang mabibigyan ng kaalaman at oportunidad na kumita.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang isa sa mga dumalo sa pagsasanay na si Bb. Ruby Anne Gabriel na isang agriculturist.

“Nagpapasalamat ako sa programang ito dahil marami ang naitulong nito sa akin hindi lamang sa mga kabababihan pati na rin sa mga kalalakihan na gustong magkaroon ng hanap buhay  hindi lamang sa maikling panahon kundi pang matagalan”, aniya.`

Nauna nang isinagawa ang meat processing training noong November 2015 kung saan naging partisipante ang mga miyembro ng Matalan Women’s Multi-Purpose Cooperative sa pangunguna ni Gng. Roseni C. Real.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s