Search for Exemplary Pantawid Pamilya Children 2016

1 natatanging bata ng pantawid pamilya ng ibaan batangas 1st place rica angela ramos
1st Place: Rica Angela R. Ramos ng Quilo Elementary School

August 11, 2016 | Mark Lacsamana

Isang timpalak na may titulong “Kaya Ko Ang Pagbabago: Search for Exemplary Pantawid Pamilya” ang idinaos sa Municipal Disaster Hall, Agosto 10.

Click here for more photos.

Nilahukan ang nasabing patimpalak ng mga piling mag-aaral na mula sa baitang 5, hanggang baitang 8 na galing sa pantawid pamilya program sa bayan ng Ibaan.

Ang patimpalak na ito ay naglalayong makilala at maging magandang halimbawa ang mga bata na kasali sa Pantawid Pamilya program sa sambayanan, eskwelahan, at komunidad.

2 natatanging bata ng pantawid pamilya ng ibaan batangas 2nd place Dianah Julienne Locus
2nd Place: Dianah Julienne Locus ng Balanga Elementary School

Sa mensahe na ibinigay ni Mayor Danny Toreja, nagpasalamat siya sa mga bata, at magulang sa kanilang pagdalo sa nasabing programa.

“Una sa lahat ay pinasasalamatan ko po kayong mga magulang na nandito, kayo po ang dahilan kung bakit ang mga batang ito ay nandito ngayon, kayo rin po ang isa sa mga dahilan kung bakit ang mga batang ito ay mahuhusay at patuloy na nagpupursige sa kanilang pag-aaral”.

Nagsilbi namang mga hurado sa patimpalak sina Gng. Irene Torres (MSWD), Gng. May Bagui (LDRMMC), Gng. Magie Margarita Alib (MHO), at Pastor Oliver Bumanlag ng Civil Society Organization.

Ang timpalak ay hinusgahan batay sa mga sumusunod na pamantayan na may kabuuang 100 porsyento:

  1. Kilos at ugali (Behavioral and practice) =20% (ito ay sinusukat base sa interviews at testimonials ng kanilang pamilya, guro, at mga kaklase. Dito sinusukat ang kagandahang asal ng isang estudyante)
  2. Talento = 20% (ito ay sinusukat sa ipapakita ng bata sa kanyang sagot sa mga katanungan tulad ng: a.) “Sa lahat ng nakamit mo, ano ang pinaka-pinahahalagahan mo at bakit?; b.) “Bilang Batang Pantawid Pamilya, ano ang kaya ong gawin upang makapag-bigay ng pagbabago sa buhay mo at ng iyong pamilya?)
  3. Talino at talas ng isip ( Intelligence and Wit ) =20% (ito ay sinusukat base sa mga grado ng estudyante, at testimonya ng kanyang mga guro)
  4. Pakikilahok sa komunidad at eskwelahan (Community and School participation). =20%
  5. Tindig at Pormang Kaya ko ang pagbabago appearance. =20%
3 natatanging bata ng pantawid pamilya ng ibaan batangas 3rd place sina Derick Andrew Bruel ng Balanga Elementary School at Lady Kyle Andallon ng Balanga Elementary School
3rd Place: Derick Andrew Bruel ng Balanga Elementary School at Lady Kyle Andallon ng Balanga Elementary School

Nakuha ni Rica Angela R. Ramos ng Quilo Elementary School ang 1st place ng naturang kompetisyon. Sumunod naman bilang 2nd place si Dianah Julienne Locus ng Balanga Elementary School, at nagtabla naman sa 3rd place sina Derick Andrew Bruel ng Balanga Elementary School at Lady Kyle Andallon ng Balanga Elementary School.

Bilang suporta ng Office of the Mayor ng pamahalaang bayan ng Ibaan sa nasabing patimpalak, nagbigay ng sertipiko at cash prize na P1,500.00 sa 1st place, P1,000.00 naman sa second place at tig P500.00 naman sa mga hindi nanalo.

Sina Rica Angela R. Ramos at Dianah Julienne Locus ang magiging opisyal na representante ng bayan ng Ibaan sa pamprobinsyang antas ng katulad na kompetisyon sa darating na buwan.

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s