Libreng pagsasanay sa “Organic Pig Raising”, isinagawa

organic pig raising seminar ibaan batangas agriculture office mayor danny toreja ethel joy caiga salazar 3

August 10, 2016 | Mark Lacsamana

Sa pagtutulungan ng Office of the Mayor at Municipal Agriculture Office na pinamumunuan ni Municipal Agriculturist Ethel Joy Caiga-Salazar, isang libreng pagsasanay na may titulong “Organic Pig Raising” ang isinagawa sa tulong ng International Training Center For Pig Husbandry (ITCPH), August 9, na dinaluhan ng 32 magba-baboy sa bayan ng Ibaan.

Click here for more photos.

Sa mensahe na ibinigay ni Mayor Danny Toreja sa pagsisimula ng pagsasanay, sinabi niya na “sana po ay mkatulong sa inyo ang pagsasanay na ito para mas mapalawak pa ang inyong kaalaman sa pag-aalaga na baboy sa natural na pamamaraan“.

Ganun pa man, binigyang din niya ng pansin pagbibigay atensyon sa dumi ng mga ito.

“Hindi lamang din  po sana sa pag-aalaga ng ating mga baboy ang ating pagtuunan ng pansin, kundi bigyan din po sana natin ng importansya  ang pagrerecycle ng dumi”, dagdag niya.

Sa pagsasanay, unang tinalakay ni Gng. Amy Eguia ng Career Development and Management Services ng ITCPH, ang mga iba’t ibang lahi ng native na baboy tulad ng Meishan, Landrace, Berkshire, at Pietrain.

Ayon pa kay Gng. Eguia, ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng baboy ay ang pagkakaroon ng forage area para sa pagkain ng baboy, at concoction sa bawat pagkain ng baboy.

Ang forage area ay parte ng tirahan ng baboy kung saan nakalagay o nandoon ang mga pagkain. Ang concoction naman ay ang mga pagkaing ginawa sa ibat ibang sahog.

Itinuro din sa pagsasanay ang ilan sa mga pamamaraan sa wastong paggawa ng tirahan ng baboy. Narito ang ilang gabay sa paggawa:

  1. Ang bubong ay yari sa pawid
  2. Ang kugon o sulirap ay nakakawang o mayroong daanan ng hangin para sa magandang bentilasyon.
  3. Mayroong 1 metrong hukay na lalagyan ng ipa o kusot upang magsilbing beddings o umbangan.
  4. Mayroong lagayan ng tubig o painumin at malapit sa pinagkukunan ng tubig.

Huli namang ipinaliwanag ni Gng. Jenny Hornilla, Development Management Officer ng ITCPH,  ang “Natural Pig Medication”. Ayon sa kanya, ang pag-aalaga ng baboy sa natural na pamamaraan ay hindi ginagamitan ng anumang antibiotics  o anumang gamot na pampamanhid kundi ito ay nilalapatan ng herbal na medisina.

Ayon pa kay Gng. Hornilla, mayroong mga natural na gamot na maaaring ibigay sa alagang baboy kung may karamdaman. Narito ang ilan sa kanyang binanggit:

1. Para sa Scours/Diarrhea  = Dahon ng bayabas, Dahon ng tsaang-gubat, Dahon ng kaimito, Dahon ng abokado.

Paghahanda:

Magdikdik ng ilang pirasong dahon (sariwa o tuyo) ng nasabing mga puno. Lagyan ng dalawang basong tubig at pakuluan ng labinlimang minuto o kaya ay hanggang sa isang baso na lamang ng sabaw ang natira. Palamigin at salain.

Pagpapainom:

Hatiin ang dekoksiyon sa apat na bahagi at ipainom sa baboy ang isang bahagi tuwing ika-dalawa o ikatlong oras.

2.Internal Parasites = Butil ng niyog-niyogan, buto ng ipil-ipil.

Paghahanda:

Ihawin o isangag ang mga buto at durugin pagkatapos ay ihalo ito sa pakain.

Pagpapainom:

a. Patabaing baboy = 1-2 kutsara ng dinurog na buto sa bawat baboy.

b. bagong walay na biik = 0.25 – 0.50 kutsarita ng dinurog ng buto sa bawat isang biik.

3. Dehydration o bunga ng pagtatae = 2 basong sabaw ng buko, 2 basong tubig, 1 kutsaritang asukal, 0.25 kutsaritang asin.

Paghahanda:

Paghaluin ang sabaw ng buko, tubig, asin at asukal.

4. Buni o iba pang sakit sa paa = dahon ng balatong aso, dahon ng balanoy, ulo ng bawang, bulaklak ng kamatiga, dahon ng akapulko.

Paghahanda:

Durugin ang dahon at katasin. Ilagay sa apektadong parte ng paa.

Sa pagtatapos ng programa, pinaalalahanan ni Gng. Hornilla ang mga partisipante na ang kanilang mga itinuro sa pagsasanay ay ilan lamang sa pamamaraan ng natural na gamutan sa alagang baboy. Kung napapansing hindi parin umaapekto ang kanilang ibinigay na herbal medicine, maaari lamang na komunsulta na agad sa isang beterinaryo.

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s