Bro. Ding: “Kung hindi ngayon, ay kailan pa tayo magkakaroon ng malasakit sa ating kapaligiran? “

Pinangunahan ni Bro. Ading Tejada, Founder ng Save The Waters Of Ibaan Movement (SWIM) ang isang symposium tungkol sa environment kasama ang mga kabataan at mag-aaral mula Dr. Juan A. Pastor Memorial National Highschool, Saint Jude Science and Technological School, Maximo Hernandez Memorial Highschool, at iba pa.
Pinangunahan ni Bro. Ading Tejada, Founder ng Save The Waters Of Ibaan Movement (SWIM), ang isang symposium tungkol sa environment kasama ang mga kabataan at mag-aaral mula Dr. Juan A. Pastor Memorial National Highschool, Saint Jude Science and Technological School, Maximo Hernandez Memorial Highschool, at iba pa.

August 8, 2016 | Lala E. Esmana

” Kung hindi ngayon ay kailan pa tayo magkakaroon ng malasakit sa ating kapaligiran? ”

Ito ang sambit ni G. Ading Tejada sa isinagawang Seminar/workshop on the Environment, Reorganization and Teambuilding na ginanap noong August 6, 2016 sa DJAPMNHS alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Click here for more photos.

May titulong “Seminar/Workshop On The Environment, Reorganization, And Team Building”, ang isinagawang seminar/workshop ay isang aktibidad na pinangunahan ni G. Ading Tejada bilang Founder ng Save the Water of Ibaan Movement (SWIM) na isang Non-Governmental Organization kaagapay ang pamahalaang bayan ng Ibaan sa pamumuno ni  Mayor Juan ” Danny ” Toreja.

Layunin ng organisasyong ito na pangalagaan at ipagtanggol ang ating Inang Kalikasan pati na rin ang ating kapaligiran lalong higit ang mga ilog na nakapaligid sa bayan ng Ibaan.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga estudyante na opisyal ng Supreme Student Government (SSG) at Youth For Environment on Schools Organization (YES-O) mula sa eskwelahan ng Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School, Maximo Hernandez Memorial National High School at St. Jude Technological and Science High School kasama ang kanilang mga Adviser sa nasabing mga organisasyon.

Naging panauhin si Engr. Raul Mercado na isang Risk Engineer at Risk Management Consultant. Siya ay nagbahagi ng mga kaalaman at mga istratehiya  kung paano hadlangan ang mga banta sa kalikasan at sa ating katubigan. Ilan sa mga bagay na tinalakay niya ang pagkabaha- bahagi ng katubigan sa mundo at ayon sa kanya tatlong porsiyento na lamang ng tubig sa mundo ang sariwa. Tinalakay din niya ang kahalagahan ng tubig sa katawan at kung paano tayo mabubuhay kung wala ito.

May mga pamamaraan ding ibinahagi kung paano mabawasan ang masamang epekto sa tubig tulad ng clean recycling, waste to energy, hygienic landfilling, foodwise at reduction at source.

Tinalakay din ni Engr. Mercado ang mga itinuturing na “significant laws” na naka-sentro sa pangangalaga ng kalikasan tulad ng R.A. 9003 Philippines Solid Waste Management Act of 2000, R.A. 6969 Philippine Toxic Hazarduos Substance and Nuclear Waste Act, at R.A. 9275 Philippine  Clean Water Act of 2004.

Naging panauhin din at tagapagsalita si G. Dennis T. Perez na kaibigan at naging kaagapay na rin ni G. Ading sa pagtataguyod ng SWIM. Nagbigay siya workshop upang mabuo ang camaraderie at palakasin ang esensya ng pagiging isang pamilya ng bawat isa bilang preparasyon naman sa gagawing pagpili ng mga bagong opisyal na bubuo ng SWIM.

Pagkatapos ng pagbabahagi ay nagkaroon ng malayang talakayan para sa mga katanungan at natutunan ng mga taga pakinig. Naghalal ng mga opisyales ng S.W.I.M at sa huling bahagi ay nagdaos ng isang mapagpalang misa.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s