Tulong pinansiyal para sa kolehiyo ng 4P’s beneficiaries, ipagkakaloob ng Kapitolyo

Pangunahing benepisaryo ng programa ang mga pamilya na nabibilang sa mga 4Ps na mayroong anak na nag-aaral o mag-aaral sa kolehiyo. (Photo by Lala Esmana.)
Pangunahing benepisaryo ng programa ang mga pamilya na nabibilang sa mga 4Ps na mayroong anak na nag-aaral o mag-aaral sa kolehiyo. (Photo by Lala Esmana.)

August 9, 2016 | Lala E. Esmana

Nagpatawag ng pagpupulong ang kinatawan ng Batangas Provincial Social Welfare and Development Office na si Gng. Ivy Miranda, August 9, sa mga anak at magulang ng 4P’s beneficiaries sa tanggapan ng Municipal Disaster Office upang talakayin ang programang naglalayon na matulungan sa pag-aaral sa kolehiyo ang miyembro ng kanilang pamilya.

Isa sa mga pangunahing programa ni Gov. Dodo Mandanas, nakatakdang pagkalooban ng tulong pinansyal ang mga anak ng 4P’s beneficiaries na ito na papasok o pumapasok sa kolehiyo  na magmumula sa Kapitolyo sa pamamagitan ng Batangas – PSWDO.

Ipinapaabot naman ni Mayor Danny Toreja ang panawagan at paanyaya sa mga miyembro ng 4Ps na mayroong anak na nag-aaral o mag-aaral sa kolehiyo na makipag-ugnayan sa tanggapan ng Ibaan Municipal Social Welfare And Development Office para sa nasabing programa.

File photo. Bumisita si Mayor Danny Toreja upang magpaabot ng kanyang pagbati kay Gov. Dodo Mandanas kasama sina Kon. Paul John Chua, Kon. Soc Arellano, Kon. Julius Panaligan, at Municipal Administrator Atty. Triven Castillo noong July 1, 2016. (Photo by Aron Paul Minas)
File photo. Bumisita si Mayor Danny Toreja upang magpaabot ng kanyang pagbati kay Gov. Dodo Mandanas kasama sina Kon. Paul John Chua, Kon. Soc Arellano, Kon. Julius Panaligan, at Municipal Administrator Atty. Triven Castillo noong July 1, 2016. (Photo by Aron Paul Minas)

“Nabanggit ito saten ni Gov. Mandanas nung bumisita tayo sa kanyang opisina noong July 1. Parang “expanded version”  nya ng 4Ps. Nakiusap tayo na kung maaari ay agad na mapuntahan ang Ibaan para sa ating mga 4Ps. Kaya nagpapasalamat tayo kay Gov. Mandanas at hindi niya tayo tinanggihan. Ipinauubaya na natin sa MSWD ang pakikipag-ugnayan sa PSWDO para dito.”, dagdag ni Mayor Toreja.

Isinagawa ngayong araw ang pagpi fill- up ng form, pagsusumite ng mga dokumentong kailangan tulad ng school I.D., barangay clearance, school registration form at I.D. ng mga magulang mula sa 4P’s.

Isasagawa din ang interview sa mga estudyante sa pangunguna ni Gng. Girlie Magbanlac matapos na maibigay sa kanila ang mga nasabing dokumento.

Magpapatuloy ang ganitong gawain hanggang Biyernes, August 12, at inaasahan na matatapos hanggang sa nasabing araw upang agad na maisumite ang mga aplikasyon sa kanilang Provincial Office.

Binibigyan diin din na para lamang sa mga nag-aaral o mag-aaral ng kolehiyo ang programa dahilan sa hindi sakop ang mga ito ng kasalukuyang programa ng 4Ps.

tulong pinansyal sa kolehiyo ng 4Ps beneficiary ng ibaan batangas mula kay gov dodo mandanas mayor danny toreja 7 tulong pinansyal sa kolehiyo ng 4Ps beneficiary ng ibaan batangas mula kay gov dodo mandanas mayor danny toreja 6 tulong pinansyal sa kolehiyo ng 4Ps beneficiary ng ibaan batangas mula kay gov dodo mandanas mayor danny toreja 5 tulong pinansyal sa kolehiyo ng 4Ps beneficiary ng ibaan batangas mula kay gov dodo mandanas mayor danny toreja 2 tulong pinansyal sa kolehiyo ng 4Ps beneficiary ng ibaan batangas mula kay gov dodo mandanas mayor danny toreja 1

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s