Timpalak para sa BIGSAYAWIT, isinagawa

August 6, 2016 | Mark Lacsamana

Isang timpalak para sa Madulang Big-Say-Wit ang idinaos sa Ibaan, District Hall, Agosto 5.

Nilahukan ang nasabing patimpalak ng mga piling mag-aaral na mula sa baitang 5, at 6 na galing sa public schools sa bayan ng Ibaan

Ayon sa Department of Education, hinggil sa pagdiriwang sa Buwan ng Wika 2016, ang Region IV-A Calabarzon ay nagtakda ng ilang mga gawain pangwika gaya ng pinagsabay na bigkas, sayaw, at awit. Ang paksa sa taong ito ay “Filipino, Wika ng Karunungan”.

Ang patimpalak na ito ay naglalayong makapagpalalim sa pambansang wika. Makakatulong rin ito upang makalinang pa ng talino at kakayahan sa pamamagitan ng mga gawaing makapagpapa-angat ng kultura, pilosopiya, at lohikang pangwika.

Layunin din ng patimpalak na ito ang makalikha pa ng iba pang kagamitang pagtuturo para sa disiplinang Filipino na magpapatibay ng kurikulum sa ilalim ng konseptong lokalisasyon at indiginisasyon.

Sinimulan ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Gng. Constancia A. Perez, Punong guro ng Ibaan, Central School.

Bago magsimula ang programa, isang pagbati sa mga kalahok, at mga manonood ang binigay ng ating butihing Mayor Juan Toreja. Pinasalamatan din ng Alkalde ang mga magulang  at mga guro sa pag-gabay at pagsuporta sa mga estudyante.

Dumalo din sa programa sina Vice Mayor Edralyn Joy Salvame, Konsehal Paul John Chua, Konsehal Socrates Arellano, Konsehal Julius Panaligan, Konsehal Juvy Mendoza, Konsehal Matie Guera, at Konsehal Cesar Marasigan.

Nagsilbi namang mga hurado sa patimpalak ang mga Professor na galing sa University of Batangas na  sina Professor  Jojo Anicito Suarez, Professor Concordia Dapat, at Professor Jonalyn frane.

Hindi naging madali sa mga hurado ang pagpili sa mananalong eskwelahan. Kitang-kita na pinaghandaan ng bawat eskwelahan ang naturang programa sa pagpapakita ng magagandang presentasyon.

Ang timpalak hinusgahan batay sa mga sumusunod na pamantayan:

a. Linaw ng bigkas at indayog = 60%

b. Hikayat ng damdamin at emosyon = 20%

c. Sangkap teknikal (lapat ng tunog, musika, at disiplinang pang-entablado = 20%

Total= 100%

Gayunman, nasungkit ng Talaibon Elem. School ang 1st place ng naturang programa, 2nd place naman ang Central Elem. School, at 3rd place naman ang Quilo Elem. School .

Bilang suporta ng Office of the Mayor ng pamahalaang bayan ng Ibaan sa nasabing patimpalak, nagbigay ang huli ng mga tropeo at sertipiko na siyang tinanggap ng mga nagwaging koponan.

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s